Philippine Standard Time:

Friday, June 13, 2025 - 8:50 PM

  1. Home
  2. Statements
  3. Press Statement
  4. Press Release of the Commission on Human Rights On the Statement of Presidential Spokesman Ernesto…

MAHALAGANG PANAWAGAN: Mag-ingat sa mga scam na naglalayong biktimahin ang mga dati nang biktima ng human rights violations sa ilalim ng diktaduryang Marcos

Mayroon di-umanong mga grupo, indibidwal, at maging mga abogado na hangad na manlamang at mangikil ng pera sa mga denied claimants ng Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) kapalit ang pagproseso at/o pag-apela ng claims para sa pinansyal na reparasyon. Ito ay hindi totoo at isang uri ng scam at panloloko. Mahalagang maging mapanuri at sumangguni lamang sa official sources katulad ng Commission on Human Rights (CHR).

Muli naming binibigyang-diin at pinapaalalahanan ang mga biktima, kanilang pamilya, at ang publiko na nagsarado na ang HRVCB. Wala nang bagong claims o appeals ang maipo-proseso dahil dito. Wala ring bagong ahensya o opisina na naitayo upang mag-proseso ng claims at/o appeals para sa reparasyon at kumpensasyon. Nakumpleto na ng HRVCB ang pagtukoy ng mga legitimate claimants at nagsagawa na rin ng pamamahagi ng pinansiyal na reparasyon.

Nais rin namin bigyang-linaw na walang masama sa pagtatayo ng asosasyon sapagkat ito’y isang karapatan. Subalit maging mapanuri at mag-ingat sa mga sasalihang grupo. Tiyakin na ang sasalihan ay hindi sindikato dahil mayroong mga oportunistang naghahangad na samantalahin ang mga denied claimants para pagkakitaan at kikilan.

Nasa pangangalaga ng Landbank ang natitirang pondo ng HRVCB sa ilalim ng trust fund na Human Rights Victims Reparation Fund. Ito ay nakalaan at eksakto lamang para sa natitirang 177 tsekeng hindi pa na-claim o na-encash. Karamihan sa mga ito ay dahil pumanaw na ang biktima at hindi pa na-update ang kanilang record. Naipasa na ng House of Representatives ang kanilang bersyon ng joint house resolution na naglalayong i-extend ang validity ng funds para sa nabanggit na 177 na tseke. Samantala, hinihintay na rin na maipasa sa senado ng kanilang bersyon.

Maging mapagmatyag tayo laban sa mga gawaing naglalayong biktimahin muli ang mga dati nang biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng diktaduryang Marcos. I-report agad sa kapulisan at/o sa CHR ang anumang gawain o impormasyon patungkol sa ganitong uri ng scam. ■

DOWNLOAD FILE HERE

Related Post

Other Stories

The United Nations (UN) Day is celebrated annually to mark the entry into force of the UN Charter in 1945. The United Nations and its Charter was borne out of widespread desire of people, who had just faced the devastating

The Commission on Human Rights (CHR) joins the entire Filipino nation in commemoration of the National Indigenous Peoples Month and the 24th year anniversary of the signing of the Indigenous People’s Rights Act (IPRA). The Indigenous People’s (IP) month is

The Commission on Human Rights condemns the killing of Balangibog TV online show host in Sorsogon City, Monday night by unidentified assailants. Jobert Bercasio was onboard his scooter when he was gunned down by suspects riding in tandem at around

While most of the efforts being made by the government is focused on alleviating the pandemic, the responsibility to provide support for the underprivileged remains. This especially rings true since the pandemic has directly affected the employment of many Filipinos.

Ensuring the welfare and dignity of government workers, especially in dire times, is vital to nation-building. Providing commensurate assistance to civil servants shall help provide economic relief that will give them a higher sense of security. This is crucial to

The Commission on Human Rights (CHR) has dispatched a quick response operation through its office in Region III to probe the alleged abduction of two young environment defenders and community volunteers, namely Jonila Castro, 21, and Jhed Tamano, 22. The two