Philippine Standard Time:

Wednesday, April 15, 2026 - 2:32 PM

  1. Home
  2. Statements
  3. Press Statement
  4. Statement of the Commission on Human Rights lauding the signing of the Basic Education Mental…

Brief Statement, Press Statement, Statements

Pahayag ni CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline de Guia, kaugnay sa karumal-dumal na pagpaslang sa teenager na si Christine Lee Silawan

Muli naming ipinapahayag ang lubos na paghihinagpis, pagkundena, at pakikidalamhati sa nangyaring kalunus-lunos na pagpaslang sa 16-taong gulang na si Christine Lee Silawan ng Lapu-lapu City. Walang puwang sa ating lipunan ang ganitong kalapastanganan laban sa isang inosenteng dalagita. Agad na nagpadala ng Quick Response Team ang CHR noong 11 March 2019 para tutukan ang agarang paglutas sa kasong ito. Hangad natin na mapanagot ang mga may sala at maramdaman nila ang buong pwersa ng batas.

Ang krimen na ginawa kay Christine ay paglabag sa karapatan niyang mabuhay at isang malaking paglapastangan sa dignidad niya bilang isang babae. Kung kaya’t napakahalaga na patuloy nating labanan ang mga pananalita, gawain, at sistemang lumilikha ng kapaligirang mapang-abuso at marahas sa mga kababaihan lalo pa ngayong Buwan ng mga Kababaihan.

Pinapaalahanan din namin ang lahat na maging mapanuri sa mga kumakalat sa social media. May mga oportunistang naglalabas ng mga mali at pekeng impormasyon laban sa CHR para sakyan ang emosyon ng publiko sa pangyayaring ito. Hindi ito nakakatulong para makamit ang hustisya para kay Christine Lee. Bagkus, ito ay nakakainsulto sa kanyang alaala. Lumilihis ito sa katotohanan at nagpapabagal sa pagtukoy ng mga konkretong hakbang para ito’y hindi na maulit pa.

Pagtulungan nating lahat, partikular ang mga may mandato sa gobyerno, na magkaroon ng ligtas na kapaligiran para sa lahat ng babaeng teenager at ibang bulnerableng sektor. Tiyakin natin na hindi na maulit pa ang nangyari kay Christine.
Tanging sa katotohanan lamang makakamit ang tunay na hustisya para sa kanya at sa iba pang mga babaeng naging biktima ng karahasan.

Related Post

Brief Statement, Press Statement, Statements

Statement of CHR Spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, on the death of a PMMA cadet

Other Stories

Today, 22 January 2021, we remember the tragic event that epitomises the systemic violence against one of the most marginalised but most vital sectors in Philippine society. The events that transpired during the Mendiola Massacre led to the death of

The Commission on Human Rights (CHR), as the Gender Ombud, celebrates the passage of Republic Act No. 11648 or an Act “providing for stronger protection against rape and sexual exploitation and abuse, increasing the age for determining the commission of

16 February 2017 PRESS STATEMENT   CHR Statement on the Court of Appeal’s Issuance of Permanent Protection to ‘Oplan Tokhang’ Victims   The issuance of a permanent protection order in relation to the Writ of Amparo filed in behalf of

Umabot sa kaalaman ng Komisyon ang mga alegasyon ng pang-aabuso ng iilang mga tao at grupo sa mga Human Rights Violations Victims (HRVVs) na nakatanggap ng financial reparation mula sa mga na-prosesong claims ng Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB).

Brief Statement, Press Statement, Statements

Mensahe ng CHR spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, sa pagdiriwang ng Mahal na Araw

Nakikiisa ang Komisyon sa mga Karapatang Pantao sa pagdiriwang ng Mahal na Araw o Kuwaresma ng mga kababayan nating Kristiyano. Sa gitna ng coronavirus disease-19 (COVID-19) pandemic, ang diwa ng okasyon na ito ay ating isabuhay sa pamamagitan ng ating

Gunned down in public and in broad daylight, the Commission on Human Rights (CHR) condemns the killing of lawyer Maria Saniata Liwliwa Gonzales-Alzate.  Based on initial news reports, two unidentified assailants boarding a motorcycle got close to the lawyer’s vehicle