Philippine Standard Time:

Monday, November 10, 2025 - 2:55 PM

  1. Home
  2. Statements
  3. Press Statement
  4. Mensahe ng Komisyon sa mga Karapatang Pantao ngayong Kapaskuhan

Press Statement, Statements

Mensahe ng Komisyon sa mga Karapatang Pantao ngayong Kapaskuhan

Isang makahuluga’t mapayapang pagdiriwang ng Pasko sa ating lahat!

Sa pagdiriwang ng sambayanan ngayong Kapaskuhan, hiling ng Komisyon na ang bawat Pilipino ay masayang ginugunita ang kapanganakan ni Hesukristo kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Bukod sa sayang hatid ng mga aginaldo, mga dekorasyon at mga awiting pamasko, hangad namin ang isang mapayapang okasyon ng pagmamahala’t pagbibigayan.

Subalit hindi lingid sa ating kaalaman na marami tayong mga kababayang hindi kapiling ang kanilang mga kapamilya at nahaharap sa matitinding pagsubok ngayong taon. Taos pusong panalangin para sa mga asawa, anak, kapatid at magulang na naulila ng mga biktima ng karahasan; mga pamilyang napilitang lumikas dahil sa kaguluha’t kalamidad; at mga kamag-anak na patuloy na naghahanap ng hustisya. Kahit sa ating mga mumunting kakayanan, nawa’y magsilbi tayong ilaw para sa mga mas nangangailangan ng liwanag sa kanilang mga buhay.

Sinubok man ang bansa ngayong taon ng mga matitinding hamon, mahalagang kilalanin at mas panghawakan natin ang mga tagumpay, maliit man o malaki, tungo sa pagkamit natin ng tunay na kaunlaran at pagkakaisa. Patuloy nating pagkuhanan ng lakas ang bawat isa upang harapin ang papasok na taon nang may pag-asa. Nawa’y mahinto na ang lahat ng patayan at tuluyang mapanagot ang mga may sala kasama ng pagbibigay pansin ng pamahalaan sa mga tunay na suliraning kinakaharap natin gaya ng matinding kahirapan at kawalang hustisya. Maging panahon sana ito para sa ating lahat na magnilay, lalung-lalo na sa ating mga namumuno, kung papaano natin mapapaghusayan ang paglilingkod-bayan at pagtataguyod ng interes ng Pilipinas higit sa anupaman.

Hindi lamang ngayong Pasko kundi sa pang araw-araw nating buhay ay maghari sana ang diwa ng pagmamalasakit at pagkalinga sa kapwa. Maging huwaran nawa ang bawat isa sa atin sa pagpapahalaga’t paggalang sa buhay at karapatang pantao ng lahat. Hiling ng Komisyon na manaig lagi ang katotohanan sa ating bayan at mailayo tayo sa anumang uri ng kapahamakan.

Muli, maligayang pasko at manigong bagong taon!

Related Post

Brief Statement, Press Statement, Statements

Statement of CHR spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, on the death of a cadet in the PNPA
Latest Post

Press Statement, Statements

CHR brings ‘Lakbay Karapatan Tungo sa Kamalayan’ to Kalinga

Press Statement, Statements

CHR backs Universal Social Pension bill

Other Stories

The Commission on Human Rights expresses its deep concern over a viral video showing a transgender woman getting a haircut inside a classroom after allegedly being denied enrollment due to the length of her hair at the Eulogio “Amang” Rodriguez

The Commission on Human Rights (CHR) joins the nation and the global community in observing the World Day Against Child Labour, reaffirming our steadfast commitment to upholding the rights and dignity of every child. On this occasion, we commend the

PRESS RELEASE 30 April 2017 CHR Chair Chito Gascon’s response to PNP Chief Bato de la Rosa’s statement on the Manila Police District Station 1’s secret jail It is prudent that in matters that may involve malfeasance or misconduct by

Position Paper

Comprehensive Mental Health Act

A Supplemental position paper on the mental health bill focusing on the role of CHR to investigate. Likewise, the CHRP wishes to comment and clarify its proposed duties and functions under the proposed measure. The CHRP recommends that other agencies

The shift to a remote and blended learning modality due to the pandemic has adversely affected the mental health and well-being of many students and teachers. Prior to the pandemic, many Filipinos, including those in the education sector, were already

Press Release, Press Statement, Statements

Statement of Commissioner Faydah M. Dumarpa condemning the ambush in Maguing, Lanao del Sur

As a fellow Maranao and Mindanaoan, I condemn the ambush in Maguing, Lanao del Sur yesterday, 17 February 2023, that killed 4 and injured 2 people. Violence such as this does not achieve anything except to undermine our nation’s quest