Philippine Standard Time:

Sunday, April 12, 2026 - 4:17 AM

  1. Home
  2. Statements
  3. Brief Statement
  4. Statement of CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, on the provision in the BFP…

Brief Statement, Press Statement, Statements

Pahayag ni CHR Spokesperson, Atty Jacqueline Ann C. de Guia, sa paggunita ng Araw ng mga Bayani

Sumasaludo ang Komisyon sa mga Karapatang Pantao sa bawat bayaning Pilipino na nangangahas na suungin ang hamon ng panahon, at nag-aalay ng oras, dedikasyon, at buhay upang iangat ang kalagayan ng kanyang kapwa sa oras ng pangangailangan.

Walang iisang mukha o sukatan ang kabayanihan. Sa panahon ng krisis o anumang uri ng pagsubok umuusbong ang mga indibidwal at organisasyon na may kakaibang tapang at lakas ng loob na rumesponde’t tumulong. Tunay na malasakit ang nag-uudyok sa isang bayani upang maisakatuparan ang mga pagbabagong hinahangad, at hindi pansariling interes ang nangingibabaw sa bawat pagkilos.

Mula sa mga pananakop, giyera, diktaturya, at hanggang sa kasalukuyang pandemyang ating sama-samang sinusugpo, buhay ng tao ang sentro ng pakikipaglaban at bayanihan. Naniniwala kami sa malalim na pagpapahalaga ng sambayanang Pilipino sa buhay at kalayaan ng tao. Isinisiwalat na mismo ng ating kasaysayan ang hindi matatawarang tagumpay ng ating mga ninunong bayani na nanindigan nang maharap sila sa hirap at panggigipit mula sa iba’t ibang pwersa ng lipunan.

Ngayong krisis pangkalusugan ang ating binabaka, mahalagang bigyang pugay natin ang mga frontliners na araw-araw bumabangon upang magligtas ng buhay at sinisigurong malayo sa anumang kapahamakan ang mga mamamayan. Hindi rin matatawaran ang pagtugon ng iba’t ibang indibidwal na patuloy na itinataguyod at dinedepensahan ang karapatang pantao ng mga bulnerable at marginalisadong komunidad, lalo na sa panahong maraming pagtatangkang patahimikin ang pagpuna’t sikilin ang batayang kalayaan ng mga mamamayan.

Gaya ng sinumang bayani, hindi naman maisasakatuparan ang mga pagkilos na ito kung sila ay nag-iisa. Sa abot ng ating makakaya, lalung-lalo na ng mga institusyong may tungkulin na gumampan, kinakailangang mapaabot sa kanila ang nararapat na tulong at proteksyon upang mas lumago pa ang mabubuting adhikain na kanilang isinusulong.

Hindi natitigil sa araw na ito ang paggunita sa mga bayani. Nawa’y araw-araw pa rin nating maging gabay ang diwa ng bayanihan at pakikipagkapwa sa pagbabahagi ng ating sarili sa iba, gaano man kaliit o kalaki ito. Kinakailangang hindi mawaglit sa ating kamalayaan na ang mga karapatan at kalayaan na tinatamasa natin ngayon ay produkto ng iba’t ibang yugto ng kabayanihan na kinakailangang patuloy nating pangalagaan at ipaglaban.

Muli, pinakamataas na saludo sa iyo, bayaning Pilipino! ###

Related Post

Other Stories

The Commission on Human RIghts is gravely alarmed upon receiving reports on the abduction of environmental rights defenders and church workers Francisco “Eco” Dangla III, 39 and Axielle “Jak” Tiong, 29 on 24 March 2024 at Barangay Polo, San Carlos,

The Commission on Human Rights, as Gender Ombud, joins the collective condemnation of the manipulated and fabricated videos of Aika Robredo circulating online. The sexist and misogynistic style of campaigning in Philippine elections must stop. Since 2016, the Commission has

The Commission on Human Rights strongly denounces the recent spate of violence and attacks allegedly done by the New People’s Army (NPA). Particularly gruesome is the killing of PFC Ariel Guinsod Maca, a member of the 36th Infantry Batallion and

The Commission on Human Rights (CHR) vehemently denounces the killings of the president of the Association of Barangay Captains (ABC) and his driver in an ambush in Barangay Ligas, Malolos City, Bulacan. CHR Region 3 has already launched a Quick

The Commission on Human Rights (CHR) acknowledges and welcomes Executive Order (EO) No. 23, signed by President Ferdinand Marcos Jr. on 30 April 2023, which mandates the creation of an Inter-Agency Committee for the Protection of the Freedom of Association

Kailangan parating isipin ng ating mga local government units, kabilang ang lahat ng tauhan ng gobyerno, na ang enhanced community quarantine at ang iba pang mga guidelines na sumusuporta dito ay ginagawa para protektahan ang karapatang pantao ng lahat ng