Philippine Standard Time:

Saturday, April 11, 2026 - 6:38 PM

  1. Home
  2. Statements
  3. Brief Statement
  4. Statement of CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, on the provision in the BFP…

Brief Statement, Press Statement, Statements

Pahayag ni CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, sa paggunita ng International Day for Street Children

Ngayong araw, 12 Abril 2020, nakikiisa ang Komisyon sa mga Karapatang Pantao sa buong mundo sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng mga Batang Lansangan. Ang araw na ito ay pagkakataon natin na maitampok ang hamong kinakaharap ng mga batang lansangan, lalo na ngayong sumasailam tayo sa isang pambansang krisis pangkalusugan.

Lansangan ang nagsisilbing tirahan, palaruan, at lugar para makapaghanap-buhay ang daan-daang libong bata sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Patuloy na tumataas ang bilang na ito dulot sa patindi nang patinding kahirapan sa bansa. Dahil sa panganib na sadyang kaakibat ng lansangan, hindi kaila sa atin ang reyalidad na araw-araw silang nahaharap sa banta ng sapilitang paggawa, pisikal at sekswal na pang-aabuso, prostitusyon, maagang pagbubuntis, at iba’t ibang mapanganib na sakit gaya ng COVID-19.

Dagdag pa sa mga nakaambang na karahasan, walang akses sa edukasyon at impormasyon, tamang nutrisyon at malinis na tubig, atensyong medikal, at proteksyon ang mga batang lansangan. Karamihan sa kanila ay kabilang sa mga pamilyang walang regular na pinagkukunan ng kabuhayan o di kaya’y abandonado na mula pagkabata. Iba’t ibang lebel ng bulnerabilidad ang binabaka nila araw-araw upang mabuhay.

Kumplikadong sitwasyon na ang kinalalagyan ng mga batang ito dahil sa sala-salabit na isyung kanilang kinakaharap sa murang edad. Gaya ng idinadaing ng kalakhang maralitang Pilipino, walang kasiguruhan na mayroong regular na pagkukunan ng pagkain, panggastos, at gamot ang mga taong nakadepende sa lansangan, lalo na’t maigting ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa bansa.

Sa pagtugon ng pamahalaan sa pagsugpo sa COVID-19, panawagan ng Komisyon na mabigyang pansin ang mga bulnerabilidad na nararanasan ng mga batang lansangan. Kinikilala natin na may mga interbensyon ang pamahalaan noon pa man upang mapabuti ang sitwasyon ng mga batang ito subalit marami pang kinakailangang gawin.

Sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, hiling ng Komisyon na masigurong may maayos at ligtas na mauuwian ang mga batang lansangan, at regular na maaabot ng ayuda mula sa mga lokal na pamahalaan. Mahalagang mabigyang diin din ang tumataas na bilang ng insidente ng pang-aabuso laban sa babae’t bata dulot ng iba’t ibang tensyo’t problema sa loob ng bahay ngayong ipinagbabawal ang paglabas. Dagdag pa, tumataas rin ang insidente ng pagmamalabis laban sa mga batang lumalabag sa ipinapatupad na curfew. Kailangang may mga matatakbuhan ang mga batang ito para sa proteksyon.

May pambansang krisis pangkalusugan man o wala, hindi dapat natin makalimutang tugunan ang mga karapatang pantao ng mga bata, lalung-lalo na ang mga nasa lansangan. Mananatiling tapat ang Komisyon sa pagmamatyag sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao habang nakikiisa tayo sa pagpigil sa pagkalat ng nakamamatay na sakit. ###

Related Post

Press Release, Statements

CHR to investigate Lascañas allegations

Other Stories

The Commission on Human Rights (CHR) acknowledges the Philippine National Police’s (PNP) intent to promote responsible gun ownership through its “Oplan Katok” initiative. Encouraging firearm owners to renew their licenses or surrender unlicensed firearms is an important measure in upholding

Mga paglilinaw ng Commission on Human Rights ukol sa distribusyon ng mga cheke mula sa na-prosesong claims ng Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) 1. Sa pagkakaiba ng HRVCB claimants at Swift class suit Hiwalay at magkaiba ang proseso ng

The Commission on Human Rights (CHR) expresses its support for House Bill (HB) No. 2384 which seeks to increase incentives for private entities that hire the elderly. Authored by House representatives Paolo Duterte, Eric Yap, Edvic Yap, and Jeffrey Soriano,

The Commission on Human Rights strongly supports the immediate passage of a legislation to end child marriage in the country. Marriage before the age of 18 is a fundamental violation of the rights of a child that impacts every aspect

Brief Statement, Press Statement, Statements

Statement of CHR Spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, on the International Day of Education

The Commission on Human Rights joins the international community in commemoration of the International Day of Education today, 24 January 2021. The third International Day of Education comes in the wake of a pandemic that has left an unprecedented number

The Commission on Human Rights (CHR) lauds the Department of Labor and Employment (DOLE) for rescuing an estimated 90,000 minors engaged in child labor since they began their child laborers profiling initiative in 2018. The Labor department, through its Bureau