Philippine Standard Time:

Friday, November 7, 2025 - 11:42 PM

  1. Home
  2. Statements
  3. Brief Statement
  4. Mensahe ng CHR spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, sa pagdiriwang ng Mahal na Araw

Brief Statement, Press Statement, Statements

Mensahe ng CHR spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, sa pagdiriwang ng Mahal na Araw

Nakikiisa ang Komisyon sa mga Karapatang Pantao sa pagdiriwang ng Mahal na Araw o Kuwaresma ng mga kababayan nating Kristiyano. Sa gitna ng coronavirus disease-19 (COVID-19) pandemic, ang diwa ng okasyon na ito ay ating isabuhay sa pamamagitan ng ating pagkakaisa, pagmamalasakit, at pagtutulungan para maitaguyod ang mga karapatan at dignidad ng ating kapwa Pilipino lalo na ang mga mahihirap, mahihina, at kapuspalad.

Panawagan natin na ang mangibabaw ay ang pagmamahal at pagiging maawain na siyang mensahe ng Kuwaresma. Maraming mga kapuspalad, mahihina, at maysakit ang nangangailangan ng pagmamahal at habag sa panahong ito na sila’y higit na nagdurusa. Sa ating kolektibong pagsugpo sa COVID-19, alalahanin natin na iba-iba ang ating karanasan at konteksto. Maging sensitibo at magmalasakit tayo sa mga dinaranas ng ating mga kababayang higit na apektado.

Ang krisis na ito ay tunay na sinusubok ang ating kaluluwa, lipunan, at mga sistema. Nabatid natin ang diwa ng bayanihan, pagmamalasakit, at pagtutulungan. Subalit, mayroon ding mga pang-aabuso, kasakiman, at pagbabalewala sa pangangailangan ng mga kapuspalad. Nawa’y sa ating pagninilay, malagpasan at maiwaglit na ang mga asal na nag-uugat sa pagka-kanya-kanya.

Dalangin natin ang paghilom at kalakasan sa mga maysakit at nagugutom. Ating panawagan ang mabilis na aksyon at sapat na ayuda para maibsan ang pagdurusa, gutom, at hindi na madagdagan pa ang bilang ng maysakit. Ipagdasal din natin ang mga pumanaw at damayan ang mga nawalan ng mga mahal sa buhay.

Ang pagkakapantay-pantay natin sa mata ng Maykapal ay pagnilayan natin sa panahong ito. Ang kahinaan at pagdurusa ng bawat isa ay makakaapekto sa lahat. Subalit kaya natin malagpasan at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagiging makatao, at pagkilala sa halaga at dignidad ng bawat isa.

Mahirap man sa kasalukuyan, ipinapaalala ng Kuwaresma na may Linggo ng Pagkabuhay na siyang nagpapahiwatig ng pag-asa. Manalig tayo at magtulungan para sabay-sabay natin haharapin ang mas mabuting bukas bitbit ang leksyon ng krisis na ito. Nawa’y pagkatapos ng unos na ito, higit natin pag-iibayuhin ang pagkakapantay-pantay, hustisya, at mas malalim na malasakit sa isa’t isa. ###

Related Post
Latest Post

Press Statement, Statements

CHR brings ‘Lakbay Karapatan Tungo sa Kamalayan’ to Kalinga

Press Statement, Statements

CHR backs Universal Social Pension bill

Other Stories

The Commission on Human Rights (CHR) strongly condemns the burning of a vehicle belonging to a former president of the Cagayan de Oro Press Club in Sagay town, Camiguin. The incident occurred around 2:00 AM on 10 May 2025, when

Press Release, Press Statement, Statements

Statement of the Commission on Human Rights on the ambush of an MSSD-BARMM officer

The Commission on Human Rights (CHR), in coordination with the Bangsamoro Human Rights Commission, is conducting a motu propio probe on the ambush of Christhia Angela Aragoncillo, a 28-year-old provincial official of the Ministry of Social Services and Development in

It is unfortunate that the recent events that led to the Bureau of Immigration order directing Australian religious missionary and human rights defender Sr. Patricia Fox to leave the country appears to be bereft of due process. We stress that

The Commission on Human Rights (CHR) expresses its utmost gratitude for the filing of House Bill (HB) Nos. 09994 and 10212 which strives to further empower and solidify the Commission’s mandate as the country’s independent national human rights institution, thereby

The Commission on Human Rights (CHR) welcomes the House of Representatives’ speedy adoption of the Senate Bill No. 2420 or the Marawi Siege Victims Compensation Act. This move helps ensure the immediate transmittal of the legislative measure to Malacañang for

The Commission on Human Rights (CHR) duly welcomes the recommendation of the outgoing Presidential Communications Operations Office (PCOO) to the incoming secretary of the agency to retain President Rodrigo Duterte’s Executive Order No. 2 or Freedom of Information (FOI) policy.