Lubos na nakikidalamhati ang Commission on Human Rights sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga biktimang sundalo at sibilyan sa pagbagsak ng C-130 na eroplano sa Sulu.
Bawat buhay ay mahalaga. Para sa ating mga kasundaluhan, kinikilala natin ang kanilang dedikasyon sa kanilang tungkulin na panatilihing ligtas ang bansa laban sa terorismo at iba pang uri ng mga banta sa ating seguridad.
Hangad natin ang puspusan na imbestigasyon para hindi na maulit pa ang ganitong trahedya. Sa kanilang paglilingkod, marapat lang na sila rin ay mabigyan ng sapat na proteksyon para sa kanilang kaligtasan. Hiling din natin na maibigay sa mga naulilang pamilya ng mga sundalo at sibilyan ang lahat ng tulong at suporta na kailangan nila, kabilang silang mga nagpapagaling na nasa kritikal na kondisyon.
