Philippine Standard Time:

Saturday, November 8, 2025 - 8:15 PM

  1. Home
  2. Statements
  3. Brief Statement
  4. Pahayag ni CHR Spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, sa ika-49 taong anibersaryo ng deklarasyon…

Brief Statement, Press Statement, Statements

Pahayag ni CHR Spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, sa ika-49 taong anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar

“Martial law could crush our bodies; it could break our minds; but it could not conquer our spirit. It may silence our voices and seal our eyes, but it cannot kill our hope nor obliterate our vision.”

Gaya ng paniniwala ni dating Senador Jose “Ka Pepe” Diokno, buhay na buhay ang diwa ng pag-asa ng Komisyon sa mga Karapatang Pantao upang mapagtagumpayan ang mga hamong panlipunang patuloy nating kinakaharap dulot ng madilim na bahagi ng ating kasaysayan—ang panahon ng Batas Militar.

Sa paggunita natin ngayong araw, 21 Setyembre 2021, ng ika-49 na taong anibersaryo ng deklarasyon ng Martial law, patuloy na naninindigan ang Komisyon na hindi pa tapos ang laban upang makamit ang hustisya para sa mga naging biktima ng karahasan sa ilalim ng diktaturyang Marcos. Kasama ang buong sambayanan, kinakailangang mas palakasin natin ang ating pakikilahok at paggigiit na hindi na maaaring pahintulutan muli ang pagkakaroon ng monopolyo sa kapangyarihan sa lipunang Pilipino. Masakit mang alalahanin ang masalimuot na karanasan ng mga nakibaka noon para sa demokrasya, hindi dapat matigil ang paggunita at pagsisigurong hindi tayo kailanman makakalimot.

Kasabay ng pag-alala ang pagkamit ng hustisya, at kasabay ng pagkamit ng hustisya ang tunay na paghilom ng ating bansa.

Dala ng patong-patong na pagsubok na binabaka natin araw-araw gaya ng kasalukuyang pandemya, may mga panahong nalilihis tayo ng landas at nawawaglit sa ating kamalayan kung gaano kalalalim ang sugat na naiwan ng Martial law. Patuloy man ang mga pwersang nagtatangka na burahin o baguhin ang kasaysayan, naniniwala ang Komisyon na mas malakas ang pagnanasa ng sambayanang Pilipino na makaranas ng kaginhawaan at mamuhay nang mapayapa’t may digdidad. Disenteng buhay na may kalayaan ang aspirasyon natin para sa bawat isa.

Korupsyon sa iba’t ibang antas ng pamahalaan ang naidulot ng diktaturya na hanggang sa ngayon ay nagpapahirap sa mga mamamayang Pilipino. Bukod sa mga ninakaw na buwis, ang kultura ng kawalang kapanagutan, sistema ng palakasan, at pagkitil ng karapatan ang unti-unting nagpapahina sa tiwala ng taumbayan sa pagbabago. Subalit imbes na mawalan ng pag-asa, mahalagang maituon natin ang enerhiya, galit, at pagtitiis na nararamdaman natin sa kasalukuyang sitwasyon patungo sa pagsingil sa mga nagkasala at pagsusulong ng reporma sa pamamalakad.

Hindi mabilisang proseso ang pagbabago. At hindi rin nanggagaling sa pawang mga pangako tuwing eleksyon ang kaunlaran at pag-ahon mula sa kahirapan. Matapat, makatao, at mahusay na pagbibigay serbisyong may malasakit ang pundasyon ng isang pamahalaang nagsusulong ng interes ng publiko.

Nakita na natin sa ating kasaysayan na nakasisilaw at nakabubulag ang kapangyarihan. Subalit kapag ginamit sa tama ang kapangyaringhan at sinabayan ng malinis at masigasig na paglilingkod, hindi nalalayong makita natin ang pinapangarap nating pagbabago.

Ngayong papalapit na naman ang panahon na magluluklok tayo ng mga bagong lider, maging kritikal, mapanuri, at aktibo sa pakikialam sa mga panlipunang suliranin na tumatagos sa pang-araw-araw nating buhay. Huwag nating sayangin ang oportunidad na makaboto nang malaya at baguhin ang kinabukasan ng ating bansa para sa susunod na henerasyon. Patuloy ang pagsusulong natin para sa ingklusibo’t makataong Pilipinas.

Never again. Say no to Martial law. ###

Related Post

Brief Statement, Press Statement, Statements

Statement of CHR Spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, on the death of a PMMA cadet

Press Release, Press Statement, Statements

Statement of the Commission on Human Rights on the high death rate among persons deprived of liberty

Brief Statement, Press Statement, Statements

Statement of CHR spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, on the Insulan, Sultan Kudarat blast
Latest Post

Press Statement, Statements

CHR brings ‘Lakbay Karapatan Tungo sa Kamalayan’ to Kalinga

Press Statement, Statements

CHR backs Universal Social Pension bill

Other Stories

PRESS STATEMENT | 7 February 2018 Ensuring the economic, social, and cultural well-being of indigenous cultural communities (ICC) and indigenous peoples (IP) are among the duties of the State (Section 5, Article II, 1987 Constitution). At the heart of this

Brief Statement, Press Statement, Statements

CHR announces the appointment of new Chairperson

The Commission on Human Rights (CHR) will be under the new leadership of Chair Leah Tanodra-Armamento after her appointment was released on Wednesday, 16 February 2022. Chair Tanodra-Armamento will be succeeding the late Chair Jose Luis Martin ‘Chito’ Gascon. The

Today, 10 October 2020, marks the 18th World Day Against the Death Penalty where we commemorate the victories we have won as well as the battles we continue to pursue in order to abolish the death penalty across the globe.

The Commission on Human Rights (CHR) welcomes the House of Representatives’ approval of House Bill No. 7325 (HB 7325) or the Magna Carta of Filipino Seafarers on third and final reading. The proposed measure seeks to promote and protects the

The Commission on Human Rights (CHR) is appalled at the recent rise in hazing-related incidents, and calls on the Commission on Higher Education (CHED) to rush the Implementing Rules and Regulation (IRR) for the Anti-Hazing Act of 2018. This cruel

The Commission on Human Rights notes the recent plans of the Philippine National Police to revive the concept of ‘Alsa Masa’ in addressing the drug problem at the grassroots level. While at its centre is tapping the spirit of volunteerism,