KOMISYON SA MGA KARAPATANG PANTAO


GABAY NG MAMAMAYAN
PROSESO SA PAGSASAMPA NG REKLAMO
Kinikilala ng CHR ang kahalagahan ng pagpapanatili ng tulong pampubliko at sistema ng impormasyon upang matiyak na ang mga hinaing at reklamo ukol sa mga serbisyo at mga opisyal at empleyado ng CHR ay maayos at maagap na matutugunan at mailalapit sa tamang opisina.
Opisina o Dibisyon: Citizens’ Help and Assistance Division (CHAD)
Klasipikasyon: Simpleng Transaksyon
Uri ng Transaksyon: G2C – Government to Citizens, and G2G – Government to Government
Maaaring kumuha ng serbisyo: Indibidwal o Organisasyon
Listahan ng mga requirements/hihingin
1. Liham/Sinagutang Feedback Form
Saan kukunin: Citizens’ Help and Assistance Division (CHAD) o Public Assistance and Complaints Desk (PACD)

PAGHINGI NG PAYONG LIGAL
Ang CHR ay nagbibigay ng libreng payong ligal para sa iba’t ibang pangangailangan. Kasama sa aming pagtulong ang paggawa ng mga pleadings, simpleng payongligal, at paggawa ng liham na naglalapit sa ibang tanggapan kung ang isyu ng kliyente ay hindi saklaw ng mandato ng CHR.
Opisina o Dibisyon: Legal Division (External Services), Legal Office
Klasipikasyon: Simpleng Transaksyon
Uri ng Transaksyon: G2C – Government to Citizens, and G2G – Government to Government
Maaaring kumuha ng serbisyo: Indibidwal o Organisasyon
Listahan ng mga requirements/hihingin
1. Request letter/Liham kahilingan
2. Sinagutang Referral at Form 9/10
3. Nasura na isyu ng kliyene
4. Sertipikasyon ng walang nakabinbin na kaso o order ng dismissal mula sa Department of Justice
5. Sertipikasyon mula sa Ombudsman na walang nakabinbin na kaso o resolusyon na nagpapawalang-bisa sa mga kriminal at administratibong kaso labas sa nagpepetisyon o tumutugon
Saan kukunin: Legal Office

PAGHINGI NG DATOS, ESTADISTIKA, AT IBA PANG KAUGNAY NA DOKUMENTO
Ang CHR ay naglalabas ng mga datos, estadistika, at iba pang dokumento patungkol sa karapatang pantao mula sa aming tipunan ng mga datos para sa mga interesadong kliyente/organisasyon.
Opisina o Dibisyon: Managament Information System Division (MISD); Office of the Executive Director
Klasipikasyon: Simpleng Transaksyon
Uri ng Transaksyon: G2C – Government to Citizens, and G2G – Government to Government
Maaaring kumuha ng serbisyo: Indibidwal o Organisasyon
Listahan ng mga requirements/hihingin
1. MISD ICT request form na may kumpletong sagot
2. Opisyal na request letter na inendorso ng opisina sa CHR na tumanggap ng request
Saan kukunin: MISD

PAGBIBIGAY NG CLEARANCE SA KARAPATANG PANTAO
Ang CHR ay nagbibigay lamang ng clearance sa mga miyembro ng militar, pulisya, security sector, kawani ng gobyerno, at mga pribadong indibidwal matapos ang masinsin na pagsisiyasat na nagpapatunay na sila ay: walang record ng paglabag ng karapatang pantao, may record ng paglabag o may nakabinbin na kaso.
Ibinibigay ang sertipikasyon bilang requirements sa kanilang promosyon, nominasyon, pag-aaral (sa loob at labas ng bansa), para sa kanilang aplikasyon sa United Nations Mission, paglalakbay sa ibang bansa, pagreretiro at sa iba pang layunin.
Opisina o Dibisyon: Legal Office (LO) – Central Office; Clearance Unit; Regional Office (RO); Commission Secretary
Klasipikasyon: Kumplikadong Transaksyon
Uri ng Transaksyon: G2C – Government to Citizens, and G2G – Government to Government
Maaaring kumuha ng serbisyo: Militar at pulis, empleyado ng gobyerno, at pribadong indibidwal
Listahan ng mga requirements/hihingin
1. Sinagutang CHR Clearance Application Form
2. Dalawang (2) pirasong Passport-sized ID picture
A. Para sa Armed Forces of the Philippines (AFP)
- Summary of Information
- Statement of Service
B. Para sa Philippine National Police (PNP)
- PNP Personal Data Sheet
- Service Record
C. Para sa mga kawani ng gobyerno at pribadong indibidwal:
- Personal Data Sheet/Bio-data
- Service Record/Certificate of Employment
- Kopya ng Government/Company ID
3. Documentary stamp

PAGHINGI NG TULONG TEKNIKAL (PAGSASANAY/TAGAPAGSALITA)
Ang CHR ay nagbibigay ng serbisyong teknikal para sa mga ahensya ng gobyerno at mga institusyong pang-akademya para sa pagbuo ng mga programang magtuturo at magsasanay ukol sa karapatang pantao o magsasama ng karapatang pantao sa mga kasalukuyang modyul at paggawa ng mga alternatibong metodolohiya sa pagtuturo.
Mayroon din ang CHR na mga tagapagsanay at mga eksperto sa iba’t ibang paksa patungkol sa karapatang pantao na maaaring magbigay ng kasanayan at maging tagapagsalita.
Opisina o Dibisyon: Human Rights Education and Promotions Office (HREPO-Central Office); Promotion and Policy Advisory Division (Regional Offices)
Klasipikasyon: Simpleng Transaksyon
Uri ng Transaksyon: G2C – Government to Citizens, and G2G – Government to Government
Maaaring kumuha ng serbisyo: Indibidwal o Organisasyon
Listahan ng mga requirements/hihingin
1. Sinagutang form para sa kahilingan (maaaring kunin sa CHAD Office)
2. Imbitasyon/kahilingan sulat (mula sa kliyente)

PAGHINGI NG IMPORMASYON, EDUKASYON, AT IPA BANG BABASAHIN TUNGKOL SA KARAPATANG PANTAO
Ayon sa hiling, ang CHR ay nagbibigay ng mga materyales at dokumento ukol sa mga programa, proyekto, at mga gawain sa karapatang pantao sa mga interesadong kliyente.
Opisina o Dibisyon: Human Rights Education and Promotions Office (HREPO-Central Office); Promotion and Policy Advisory Division (Regional Offices)
Klasipikasyon: Simpleng Transaksyon
Uri ng Transaksyon: G2C – Government to Citizens, and G2G – Government to Government
Maaaring kumuha ng serbisyo: Indibidwal o Organisasyon
Listahan ng mga requirements/hihingin
1. Sinagutang form para sa kahilingan (maaaring kunin sa HREPO – Central Office/Promotion and Advisory Division – Regional Offices)
2. Sulat ng kahilingan mula sa kliyente

MGA PANAYAM
Mahalaga para sa aming ahensya na malaman ng publiko kung ano ang aming mandato, misyon, bisyon, at mga serbisyo.
Nagpapaunlak ang CHR ng panayam patungkol sa isyu ng karapatang pantao sa lahat ng uri ng channels ng media, kabilang na ang mga traditional at social media channel.
Opisina o Dibisyon: Strategic Communication Division (SCD) – Central Office; Promotion Division – Regional Offices
Klasipikasyon: Simpleng Transaksyon
Uri ng Transaksyon: G2C – Government to Citizens, and G2G – Government to Government
Maaaring kumuha ng serbisyo: Indibidwal o Organisasyon
Listahan ng mga requirements/hihingin
1. Sulat ng kahilingan mula sa kliyente
2. Sinagutang Referral Slip mula sa SCD Office
3. Media Request Form mula sa SCD Office
