Pahayag ng Komisyon sa mga Karapatang Pantao kaugnay sa pagkamatay ni Genesis “Tisoy” Argoncillo sa QCPD Police Station 4

Hindi krimen ang pagtambay at hindi lahat ng nakatambay ay kriminal. At sa pagkakataong may malinaw na paglabag sa batas, pinapaalalahanan ng Commission on Human Rights (CHR) ang kapulisan na maging ang mga nakabilanggo man ay mayroong karapatan na dapat irespeto at pangalagaan. Ang masamang kalagayan sa mga bilangguan, kabilang ang anumang kalabisan, kakulangan, at/o […]