Philippine Standard Time:

  1. Home
  2. Position Paper
  3. House Bills Amending and Expanding the Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004…

Brief Statement, Press Statement, Statements

Pahayag ng CHR spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, sa paggunita ng Araw ng Paggawa

Simula ngayong araw, ika-1 ng Mayo 2020, ang ibang lokalidad sa Pilipinas ay mapapasailalim na sa general community quarantine matapos matukoy na low hanggang moderate na ang panganib ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa mga nasabing lugar, habang ang ilan ay magpapatuloy sa mas mahigpit na restriksyon ng enhanced community quarantine.

Sa anumang sitwasyon, patuloy na nararamdaman ng ating mga kababayan, lalo na ang mga kapos sa buhay, ang epekto ng kawalan ng trabaho at kabuhayan, maging ang panganib na dulot ng pandemiya para sa mga manggagawang itinuturing nating mga frontliners.

Kaya ngayong Araw ng Paggawa, ipinapaabot ng Komisyon sa mga Karapatang Pantao ang pagpupugay sa mga manggagawang patuloy na sumasabak sa hamon ng Covid-19 at tumutulong maibsan ang epekto nito sa bawat Pilipino—mga doktor, nars, siyentista, mga nagtatrabaho sa mga laboratoryo, naglilinis sa mga ospital, mga magsasaka, mangingisda, silang mga nasa industriya ng pagkain, factory workers, mga drayber, delivery crew, at iba pang frontliners sa pribado at pampublikong sektor.

Ngunit ang mas higit na pagpupugay sa kanila ay ang pagkilala sa kanilang pangangailangan.

Halimbawa nalang sa hanay ng medikal na propesyon, patuloy na tumataas ang mga kaso ng nahahawa sa Covid-19 dahil sa kakulangan ng proteksyon at kagamitan. Bukod dito, kailangan ring pagtuunan ng pansin ang kalusugan ng kanilang pangangatawan at isipan batid ang pagdami ng mga pasyenteng kailangan tulungan.

May ibang ring mga manggagawa na walang kasiguraduhan kung kailan makakapagtrabaho muli, lalo na silang mga umaasa sa arawang kita at mga nasa industriya na hindi pwedeng gawin ang trabaho mula sa kani-kanilang tahanan.

May mga napapabalitang sumusubok lumabas para maghanap-buhay sa kabila ng quarantine para lamang may pangtustos sa araw-araw.

Ang iilan sa ating mga kakabayang Overseas Filipino Workers ay napilitan nang magsiuwi bilang epekto ng lockdowns at kawalan ng trabaho sa ibang bansa. May mga negosyo na inaasahan ng ating mga kababayan para sa kani-kanilang trabaho ang humaharap rin sa walang kasiguraduhan ng pagbangon dahil sa kawalan ng kita.

Iilan lang yan sa mga reyalidad na kinakaharap ng ating mga manggagawang Pilipino.

Sa pagbubukas muli ng ibang negosyo sa ilalim ng general community quarantine, sana ay isaalang-alang ang pagbalanse sa pangangailangan maghanap-buhay at pagpapanatiling ligtas ang buhay ng ating mga manggagawa.

Ang mga mekanismo at programa mula gobyerno para matugunan ang mga epekto sa pangkabuhayan ng mga nananatili sa enhanced community quarantine ay higit na kinakailangan.

Inaasahan natin na pabibilisin ng ating pamahalaan ang pagtugon sa mga isyu ng ayuda para matustusan ng ating mga manggagawa ang kanilang mga pangangailangan at ng kanilang mga pamilya habang hindi pa natatapos ang pandemiya.

Ang kawalan ng hanapbuhay ay lalong nagsasadlak sa ilang mga Pilipino sa kahirapan. Ang karapatang magkaroon ng trabaho at sapat na kabuhayan ay importante sa pagpapanatili ng dignidad ng isang tao. Sa paglutas natin sa pagsubok ng Covid-19, wala sanang maiiwan sa pagbangon, higit lalo na ang mga walang boses, isinasantabi, at kadalasang nakaliligtaan sa lipunan. ###

Related Post

Press Release, Statements

Senate Committee on Finance adopts the CHR FY 2021 budget

Brief Statement, Press Statement, Statements

Statement of CHR spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, on the Cotabato City mall blast

Other Stories

San Fernando City, LA UNION—The regional office of the Commission on Human Rights (CHR) in Region I is set to finally have its own building after the Governance in Justice (GOJUST) Human Rights Project grants funding for its construction in

14 April 2020 – Child Rights Network (CRN) the largest alliance of organizations and agencies pushing for children’s rights legislation in the Philippines, calls on the national government, local government executives, and the private sector to step up concerted efforts

Position Paper

Positive Discipline Bill Filed in the Senate (Senate Bill 1477)

The CHRP respectfully submits this position paper on the proposed legislative measure seeking to prohibit corporal punishment and to promote positive discipline in homes, schools, institutions, alternative care systems, workplaces, juvenile welfare system, places of religious worship, and in all

Reports

COVID-19 and its human rights dimensions

COVID 19 is a test of societies, of governments, of communities and of individuals. Now is the time for solidarity and cooperation to tackle the virus, and to mitigate the effects, often unintended, of measures designed to halt the spread

The Commission on Human Rights, as Gender Ombud, joins the collective condemnation of the manipulated and fabricated videos of Aika Robredo circulating online. The sexist and misogynistic style of campaigning in Philippine elections must stop. Since 2016, the Commission has

The Commission on Human Rights (CHR) strongly condemns the brutal killing of a 12-year old girl in Nabua, Camarines Sur and is currently investigating the case to shed light on this violent incident. This week, as we commemorate the 12th