Philippine Standard Time:

Friday, August 7, 2026 - 2:28 PM

  1. Home
  2. Statements
  3. Brief Statement
  4. Statement of CHR spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, on the President’s remark to kidnap…

Brief Statement, Press Statement, Statements

Pahayag ni Atty Jaqueline Ann de Guia, CHR spokesperson, ukol sa pagpapahubad sa isang quarantine violator sa Manila

Lubos na nababahala ang Komisyon sa mga Karapatang Pantao (CHR) sa pagpapahubad ng isang barangay kagawad sa isang quarantine violator na nahuli at pagpopost pa ng mga larawan ng nasabing pangyayari sa social media.

Mariing paalala ng Komisyon na hindi nasususpinde ang karapatang pantao kahit may umiiral na national health emergency.

Batid natin na ang mga paglabag ay dapat mapanagot. Pero ang anumang pagpapataw ng parusa na nagsasawalang bahala sa dignidad at karapatan ng sinuman ay maituturing na cruel, inhuman, at degrading treatment/punishment at isang paglabag sa Republic Act No. 9745 o Anti-Torture Act.

Marami tayong magagandang halimbawa mula sa ibang local governments na mas makatao ang kaakibat na aksyon sa paglabag, tulad nalang ng pagpapanood ng videos sa tunay na epekto ng Covid-19, nang lalong maintindihan ng mga mamamayan ang kahalagahan ng health safety protocols na umiiral, tulad ng pagsusuot ng face mask, physical distancing, quarantine, at iba pa. Ang kakulangan sa kaalaman sa epekto ng pandemiya ay isa rin sa mga posibleng dahilan sa paglabag.

Pinapaalalahan namin ang mga bawat opisyal sa pamahalaan—sa national at local governments—na sila ay may tungkulin itaguyod at protektahan ang karapatan at dignidad ng lahat. Ito ay kaakibat na obligasyon ng kanilang posisyon at tungkulin sa bayan at mga mamamayan.

Dahil sa natanggap na impormasyon, iimbestigahan ng CHR ang nasabing insidente.

Related Post

Press Statement, Statements

CHR Statement on the Suspension of the Anti-Drug Campaign

Press Release, Press Statement, Statements

Statement of the Commission on Human Rights on the ambush of an MSSD-BARMM officer

Other Stories

Brief Statement, Press Statement, Statements

CHR announces the appointment of new Chairperson

The Commission on Human Rights (CHR) will be under the new leadership of Chair Leah Tanodra-Armamento after her appointment was released on Wednesday, 16 February 2022. Chair Tanodra-Armamento will be succeeding the late Chair Jose Luis Martin ‘Chito’ Gascon. The

The Commission on Human Rights (CHR) expresses grave concern over the killing of a partylist nominee, who was gunned down by unidentified assailants riding a motorcycle on 28 April 2025. Reports say that the victim was shot multiple times and

The Commission on Human Rights (CHR) is deeply concerned with the news on another death of a minor—this time involving a 16-year old boy who allegedly fought back (nanlaban) when police officers were serving a warrant for a drug charge

Press Release, Press Statement, Statements

Mensahe ni CHR Chairperson Richard P Palpal-latoc sa pagdiriwang ng Araw ng mga Manggagawa

Kasama ang buong Komisyon sa mga Karapatang Pantao o CHR, ipinapaabot namin ang aming pagpupugay sa lahat ng mga manggagawang Pilipino ngayong Mayo Uno o ang Araw ng mga Manggagawa. Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang pagkakataon para sariwain

47th Session of the Human Rights Council 21 June 2021   1.     The Commission on Human Rights of the Philippines (hereafter “the Commission” or “CHRP”),[1] submits its written statement for agenda item 2 on the High Commissioner’s report on State

The Commission on Human Rights (CHR) welcomes the proposed measure to expand the purposes for the utilization of the Emergency Repatriation Fund (ERF) under Republic Act (RA) No. 8042, as amended, otherwise known as the Migrant Workers and Overseas Filipinos