Philippine Standard Time:

  1. Home
  2. Statements
  3. Brief Statement
  4. Statement of the CHR spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, on the signing of the…

Brief Statement, Press Statement, Statements

Pahayag ni CHR Spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, sa ika-35 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution

Tatlumpu’t limang taon na ang nakalipas nang lumabas sa lansangan ang mga mamamayang Pilipino upang ipahayag natin ang pagkapuno mula sa karahasan, korupsyon, at mga kasinungalingan ng isang diktador. Mahigit tatlong dekada na rin ang nakaraan nang iniluwal natin ang ating demokrasya mula sa madilim na yugto ng ating kasaysayan—ang martial law o batas militar.

Buo ang pakikiisa ng Komisyon sa mga Karapatang Pantao sa paggunita ng ika-tatlumpu’t limang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Mahalaga ang pag-alala upang hindi tayo makalimot sa monumental na pangyayari sa ating bansa kung saan nanaig ang boses at pagkakaisa ng taumbayan laban sa kalabisan ng kapangyarihan. Bagama’t hindi lahat ng ating aspirasyon bilang bansa ay nakamit natin matapos ang diktaturya, mahalagang mapaalala sa atin na may katapusan ang paghahari ng mga hindi makataong pinuno na sariling interes lamang ang inuuna.

Ngayong nalalapit na ang eleksyon para sa bagong pamunuan, kinakailangan nating maging mas mapanuri bilang mamamayan sa tunay na intensyon mga di umano’y lider na nais muling mailuklok sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan. Huwag tayong makalimot sa mga paglabag sa karapatang pantaong pinalampas nating singilin. Hindi magkakaroon ng pagbabago kung hindi tayo patuloy na makikilahok sa mga isyung panlipunang ating kinakaharap sa kasalukuyan, at kung hindi natin mapapanagot ang mga umabuso sa ating mga kalayaan at karapatan.

Bilang isang institusyong ipinanganak matapos ang EDSA People Power Revolution, patuloy na magiging tapat ang Komisyon sa mandato nito na bantayan ang anumang pagmamalabis sa kapangyarihan ng estado, maging sinuman ang nakaluklok na pinuno. Dagdag pa, patuloy kaming magmumulat at magpapaalala sa taumbayan ng mga ganitong pangyayari dahil malakas rin ang pwersang nagsusulong ng mga rebisyon sa ating kasaysayan upang makamit nila ang kanilang mga personal na agenda. Hindi rin kami matitigil sa pagpanig sa mga mahihina, inaapi, at mga isinasawalang-bahala ng lipunan.

Hindi man agaran ngayon, subalit darating ang panahon kung saan taumbayan muli ang magpapasya’t maniningil sa paglapastangan ng mga ganid sa kapangyarihan sa ating pinakamamahal na bansa.

Hindi lamang sa araw na ito, nawa’y manaig sa atin ang diwa ng katapangan, pagkakaisa, at kapayapaang nakita natin noong EDSA People Power Revolution upang pagtagumpayan ang mga hamong sumusubok sa ating lipunan. ###

Related Post

Brief Statement, Press Statement, Statements

Statement of CHR spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, on the reported NPA attacks in Surigao del Sur

Other Stories

The Commission on Human Rights (CHR) will be conducting a motu propio investigation on the slay-attempt of Calamba, Misamis Occidental mayoralty bet George Matunog Jr. The victim was shot on Sunday, 13 March, while walking towards his home in Purok

Brief Statement, Press Statement, Statements

Statement of CHR Spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, on the International Day of Education

The Commission on Human Rights joins the international community in commemoration of the International Day of Education today, 24 January 2021. The third International Day of Education comes in the wake of a pandemic that has left an unprecedented number

Position Paper on House Bill No. 5898 on Survivorship Benefits for Members of the Constitutional Commissions and the Ombudsman The Commission on Human Rights reiterates its support to the bill in granting benefits to the surviving beneficiaries of an unmarried

Brief Statement, Press Statement, Statements

Pahayag ng CHR spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, sa paggunita ng Araw ng Paggawa

Simula ngayong araw, ika-1 ng Mayo 2020, ang ibang lokalidad sa Pilipinas ay mapapasailalim na sa general community quarantine matapos matukoy na low hanggang moderate na ang panganib ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa mga nasabing lugar, habang

Press Release, Statements

CHR urges PHL gov’t: address human rights situation on the ground

19 May 2017 PRESS RELEASE CHR urges PHL gov’t: address human rights situation on the ground QUEZON CITY—The Commission on Human Rights (CHR) urged the current administration to address the recommendations of the 95 United Nations (UN) member states on

The right to privacy is a fundamental human right. A number of human rights documents, including the Universal Declaration of Human Rights, the 1987 Constitution, and the Data Privacy Act among others, establish the nature of this freedom. The Commission