Philippine Standard Time:

  1. Home
  2. Statements
  3. Press Statement
  4. Statement of the Commission on Human Rights on the End of Operations of the Human…

Brief Statement, Press Statement, Statements

Pahayag ni CHR spokesperson, Atty, Jacqueline Ann de Guia, sa mga paglabag ng curfew at quarantine sa Pandacaqui, Mexico, Pampanga

Kailangan parating isipin ng ating mga local government units, kabilang ang lahat ng tauhan ng gobyerno, na ang enhanced community quarantine at ang iba pang mga guidelines na sumusuporta dito ay ginagawa para protektahan ang karapatang pantao ng lahat ng mga Pilipino.

Kahit sa normal na sirkumstansya, ang pagpapanagot sa anumang paglabag ay dapat naayon sa kung ano lamang ang nararapat at nakatakda sa batas. Ang ating Konstitusyon na mismo ang nagsabi na ang gobyerno ang may pangunahing obligasyon itaguyod ang ating mga karapatan at kalayaan. At hindi rin kailanman nasususpinde ang karapatang pantao maging sa kontekso ng isang national health emergency. Kaya naman hindi maaring ang gobyerno rin ang unang lalabag sa mga ito—kahit ano pa man ang maging dahilan.

Sa kaso ng mga paglabag sa Pandacaqui, Mexico, Pampanga, lalo na para sa mga menor de edad, malinaw ang UN Convention on the Rights of the Child; Juvenile Justice and Welfare Act; at ang Joint Memorandum Circular ng Department of the Interior and Local Government at Council for the Welfare of Children No. 2020-001 na dapat isinasaalangalang ang kapakanan ng mga bata at iniiwas sila sa anumang parusa na hindi makatao at nakapagpapababa ng kanilang dignidad.

Ayon sa Juvenile Justice and Welfare Act, ang mga batang lalabag sa anumang curfew ay dapat dinadala sa kanilang tahanan o sa sinumang barangay official sa barangay hall para maiuwi sa kanilang mga magulang o tagapagbantay at sisiguraduhing may nararapat na interventions ayon na rin sa batas.

Mariin din ang pagpapaalala sa mga tauhan ng gobyerno na dapat parating gumagamit ng lengwaheng child at gender-sensitive sa pakikitungo sa mga bata.

Anumang aksyon na matuturing na pang-aabuso at nagpapahamak sa mga bata ay posibleng maging paglabag sa Republic Act No. 7610 o ang ‘Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.’

Hindi rin tama na kahit sa pagsita sa paglabag sa curfew ay tila nakararanas din ng diskriminasyon ang mga miyembro ng LGBTQ community at ginagawa silang katatawanan. Ang mga ganyang pagturing ay dumadaglag lamang sa humahabang listahan ng karahasan na nadudulot ng lalong hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Para sa ibang paglabag, makatutulong na gamitin ang lente ng karapatang pantao sa pagpapatupad ng curfew at quarantine. May mga mas mainam na hakbang para sumunod ang mga mamamayan, tulad ng ginagawa sa Iloilo City kung saan ang pag-aresto ay sinasabayan ng pagtuturo tungkol sa COVID-19 at sinisigurong ang mga panuntunan sa physical distancing ay nasusunod pa rin. Mabuti ring tignan ang mga rason sa posibleng paglabag at siguraduhing may mga karampatang aksyon sa mga wastong hinaing, tulad ng pangangailan sa pagkain, gamot, at ayuda mula sa gobyerno.

Ipinapaalala rin ng Republic Act No. 9745 o ang ‘Anti-Torture Act’ na bawal ang pagpapataw ng anumang parusang nagsasawalang bahala sa dignidad ng sinuman.

Kailangan ng makatao at patas na pagtrato sa lahat—mayaman man o mahirap, may katungkulan man o wala. Kasama rito ang pagpapaalala sa ating mga kababayan sa kahalagahan ng pakikiisa sa pagsugpo sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Kinikilala namin na humingi na ng paumanhin ang sangkot na barangay captain ng Pandacaqui para sa pangyayari. Kasalukuyan na ring iniimbistigahan ng aming CHR Regional Office ang nasabing insidente. ###

Related Post

Press Release, Press Statement, Statements

Gender Ombud calls for justice and condemns GBV against women and girls

Brief Statement, Press Statement, Statements

Statement of CHR spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, on the death of Jevilyn Cullamat

Advisory, Press Release, Statements

MAHALAGANG PANAWAGAN SA MGA NATITIRANG HUMAN RIGHTS VICTIMS CLAIMANTS SA ILALIM NG RA 10368

Other Stories

The Commission on Human Rights (CHR) welcomes the start of the plebiscite today, 21 January 2018, towards the ratification of the Bangsamoro Organic Law, envisioned to usher the creation of a new Bangsamoro autonomous region in Mindanao. Not only does

CHR acknowledges the observation of the Commission on Audit (COA) on the hiring of 130 consultants and granting of contract of service (COS) in various tasks and fields of expertise without undergoing market research, which is required under Republic Act

The Commission on Human Rights (CHR) is now probing the reported shooting of Eduardo Geñoga, a 59-year-old curfew violator with mental illness, by Cesar Panlaqui, a barangay tanod. The shooting happened in Tondo, Manila on 7 August 2021, the second

Brief Statement, Press Statement, Statements

Statement of CHR spokesperson Atty Jacqueline de Guia, on security forces’ increased presence in schools

This is the statement of CHR spokesperson Atty Jacqueline de Guia, on security forces’ increased presence in schools

The Commission on Human Rights (CHR) strongly condemns the actions of Barangay Chairperson Eric P. Ambrocio who, along with other barangay officials, detained five individuals, including two minors in a dog kennel after arresting them for violating the curfew hours

The Commission on Human Rights (CHR) vehemently condemns the shooting and attempt against the life of Atty. Ariff A. Lao, Provincial Director of the Bangsamoro Human Rights Commission (BHRC). According to the BHRC, an unidentified assailant shot the driver’s side