Philippine Standard Time:

  1. Home
  2. Articles
  3. Justice-Oriented Approaches to Pandemic-Related Human Rights Abuses in the Philippines

Brief Statement, Press Statement, Statements

Pahayag ni CHR spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, sa paggunita ng Health Workers’ Day

Sa ating paggunita ng Health Workers’ Day, ating ipinapaabot ang walang patid na pasasalamat sa kanila. Sa gitna ng pandaigdigang krisis sa kalusugan, ang ating mga frontline healthcare workers ang pumapasan sa isa sa mga pinakamabigat na responsibilidad—ang tumugon sa mga maysakit.

Bagamat higit isang taon nang nilalabanan ng mga health workers ang pandemya, hindi parin nakahahabol sa takbo ng panahon ang mga benepisyo at proteksyon para sa kanila.

Patuloy ang pagka-antala ng kanilang sahod at hazard pay na madalas ring ‘di sapat. Nariyan rin ang kakulangan sa supply ng personal protective equipment (PPEs) at iba pang medical equipment, maging ng medical staff sa mga ospital. Gayundin, laganap ang diskriminasyon at karahasan laban sa kanila dahil sa kanilang serbisyong ginagampanan.

Ngunit, kung tutuusin, ang mga kinakaharap na pagsubok ng mga health workers ngayong pandemya ay hindi na bago sa kanila. Matagal nang suliranin sa bansa ang mababang sahod at kawalan ng benepisyo, overworking, at kakulangan sa kagamitan at tauhan sa mga medical facilities, lalo na sa mga pampubliko at panlalawigang ospital. Marapat lamang na ang mga health workers na nagsisikap itaguyod ang ating karapatan sa kalusugan ay pahalagahan, lalo na silang mga nasa malalayo at hirap maabot na lugar.

Sa araw na ito, bukod sa pagpupugay at pasasalamat, ay nakikiisa ang Komisyon sa mga Karapatang Pantao sa panawagan para sa mabilis at makabuluhang pag-aksyon sa mga daing ng ating mga health workers. Kung wala ang ating mga magigiting na doktor, nars, at iba pang health workers, mahirap isipin kung ano ang kahihinatnan ng bansa. Ang kagalingan ng lahat ay mag-uugat sa pagtataguyod sa kanilang kapakanan at mga karapatan. Kaya ngayong Health Workers’ Day, binibigyang diin ng CHR na maging ang kapakanan ng ating mga healthcare workers ay dapat pahalagahan. Dahil sa pag-ahon mula sa hamon ng Covid-19, dapat walang maiiwanan. ###

Related Post

Articles, Press Release, Reports, Statements

COVID-19: Exceptional measures should not be cover for human rights abuses and violations – Bachelet

Brief Statement, Press Statement, Statements

Mensahe ng CHR Spokesperson, Atty. Jacqueline Ann de Guia, sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan

Press Statement, Statements

CHR welcomes EO 12 on Zero Unmet Need and Strict Implementation of RPRH Law

Other Stories

The Commission on Human Rights (CHR) in Region VII is conducting a motu propio probe on the brazen attempt against the life of lawyer Karen Quiñanola-Gonzales and her 19-year-old son. Atty. Quiñanola-Gonzales is a lawyer at the Cebu Port Authority

Six months have elapsed since the rape and alleged killing of 15-year old girl Fabel Pineda by police officers in Ilocos Sur, but justice remains elusive for her and her cousin Bernadette Saniatan despite the strong condemnation of the Philippine

Lubos na nababahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa aming natanggap na ulat ukol sa ordinansa ng pamahalaan ng bayan ng Kalookan na nagbabanta ng parusa sa mga di-bakunado na magsisimba o mananampalataya. Nakapaskil diumano ang naturang ordinansa sa

The Commission on Human Rights (CHR) expresses deep concern over the alleged misreporting of police blotters in Davao City to establish a declining trend in the city’s crime statistics. According to reports, the observed discrepancies in two police log books

The Commission on Human Rights (CHR) welcomes the consolidated Senate Bill (SB) No. 2766, also known as the “Comprehensive Anti-Discrimination Act,” as it extensively defines all forms of discrimination and protects vulnerable and marginalized groups from being victims of these

Obligasyon ng Estado ang paghubog ng kabataan. May kaugnayan dito ang doktrina ng parens patriae o ama ng bansa na siyang nagbibigay ng kapangyarihan sa Estado upang protektahan ang mga taong walang kakayahan na magdesisyon para sa kanilang sarili katulad