Philippine Standard Time:

Wednesday, May 20, 2026 - 11:42 AM

  1. Home
  2. Articles
  3. CHR releases Kidapawan Report

Brief Statement, Press Statement, Statements

Pahayag ni CHR Spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, sa paggunita ng National Rice Awareness Month

Bigas ang pangunahing pagkaing pinagkukunan ng lakas ng nakararaming Pilipino. Ang pagkakaroon ng sapat, abot-kaya, at kalidad na bigas para sa lahat ay batayang karapatan natin bilang mga mamayan. Kaya naman, nakikiisa ang Komisyon sa mga Karapatang Pantao sa pagsuporta sa mga panukalang naglalayong maisulong ang karapatan natin hindi lamang sa bigas kundi sa pambansang kasiguruhan sa pagkain o national food security. Kasabay nito, nararapat na mabigyang ng pagkilala’t tugon ang mga hamong kinakaharap ng sektor ng agrikultura partikular ang mga sulirarin ng mga kababayan nating magsasaka sa panahon ngayong nananatiling mababa ang presyo ng bentahan ng palay dala ng kumpetisyon sa mga imported na bigas.

Bilang isang agrikultural na bansa, malaking kabalintunaan na nahaharap tayo ngayon sa krisis sa bigas at nangunguna sa mundo bilang isa sa mga pinakamalalaking importer nito. Tungkulin ng pamahalaan na suriin ang mga kasalukuyang batas gaya ng Rice Tariffication / Liberalization Law at siyasatin kung ito nga ba ang pinakanararapat na solusyon sa problema natin at tingnan kung may mga alternatibong paraan na mas makabubuti para sa nakakarami. Sa pagpapatupad ng anumang hakbang tungo dito, mahalaga ang pakikilahok ng mga magsasaka sa proseso ng konsultasyon dahil sila ang pangunahing matatamaan ng mga polisiyang ito. Bukod sa usapin ng rice importation, pangunahing isyung kinakaharap pa rin ng mga magsasaka ang kawalan ng oportunidad na makapag-ari ng lupa kung kaya’t patuloy silang nababaon sa pagkautang dahil sa kakulangan sa kapital. Malawakang reporma sa agrikultura ang kinakailangang pag-aralan at maisagawa upang komprehensibong matugunan ang sala-salabit na problema ng industriya ng pagsasaka.

Kaugnay ng paggunita natin sa National Rice Awareness Month ngayong Nobyembre, naniniwala ang Komisyon na ang usapin ng bigas ay usapin ng kasiguruhan sa pagkain at pagsugpo sa kagutuman at kahirapan. Ang kasalukuyang epekto ng mga polisiyang ipinapatupad ng administrasyon ay nagtutulak sa atin upang mawalan ng pagkakataong palakasin ang lokal na produksyon ng bigas, at lumikha ng sariling pagkain para sa sarili nating mga mamamayan. Panawagan ng Komisyon na mas patindihin ang suporta ng pamahalaan sa lokal na agrikultura at gawing mas abot-kaya ang presyo ng bigas, kasabay ang aktibong pagprotekta sa buhay at kabuhayan ng mga magsasaka.###

Related Post

Other Stories

The Commission on Human Rights (CHR) shall be conducting a National Inquiry on the situation of Human Rights Defenders (HRDs) in the country. The inquiry is in response to petitions and complaints filed before the Commission, alleging Extra-Judicial Killings, Enforced

Press Statement, Statements

Statement of the Commission on Human Rights lauding the enactment of ARAL Law

The Commission on Human Rights (CHR) commends the signing of the Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) law on October 18, 2024, by President Ferdinand Marcos Jr. Republic Act No. 12028, also known as the “ARAL Program Act,” aims to

The Commission on Human Rights (CHR) is deeply alarmed of the two incidents of possible extortion and security threat from an alleged commander and a member of the New People’s Army (NPA) done via phone call to the CHR Region

The Commission on Human Rights (CHR) acknowledges the recent directive of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. to form a special committee tasked to further champion human rights protection in the country. The Chief Executive established a “Special Committee on Human

UN Submissions

CHRP Inputs on Cross Border Cooperation Between States

CHRP provided submission relative to the study of the GANHRI Working Group on Business and Human Rights on “the best practices and how to improve on the effectiveness of cross-border cooperation between states with respect to law enforcement on the

The Commission on Human Rights (CHR) lauds the Manila City Government for investing in the education of persons deprived of liberty (PDLs). A three-storey school building was constructed inside the Manila City Jail to provide PDLs with quality education while