Maganda umaga po sa ating lahat.
Salamat po sa inyong pagtunghay sa aming munting handog para sa inyo sa selebrasyon ng ating People Power Anniversary. Isa pong karangalan na ipagdiwang natin ang ikatatlumput anim na People Power Anniversary – ang handog ng Pilipino sa mundo.
Marahil, marami na po sa atin ang hindi na natunghayan ang People Power. Isang henerasyon na ang lumipas. Parang bahagi na lamang ng nakaraan ang People Power – isang pangyayari na balot na ng misteryo at naririnig na lamang natin mula sa kwento ng iilan, nababasa paminsan-minsan sa mga aklat, napapanood minsan-minsan sa social media, naririnig sa mga kwentong hindi na natin madalas naririnig, at nasasambit sa mga kantang bihira na lamang natin awitin.
Ngunit, nais ko po sanang sabihin sa atin ngayong araw na ito na ang EDSA, ang People Power, ay hindi lamang bahagi ng nakaraan. Ito ay bahagi ng ating araw-araw na buhay at sana ay laging maging bahagi rin ng ating kinabukasan. Hindi lamang ito isang daanan o lagusan na ating dinadadaanan sa Kamaynilaan.
Ang EDSA ay isang pangarap. EDSA was a dream for the Filipino. For over 20 years, we were ruled by only one man. There was no genuine, clean, open and honest elections that chartered our destiny and political will as a people. Only one man – one man – dictated our political, economic, and social life. One man lorded over and ruled over millions of Filipinos for more than two decades. One cruel government imprisoned, tortured, killed, and disappeared thousands of Filipinos. One system of dictatorship committed grave human rights violations.
Kaya naman naging pangarap ang EDSA – pangarap na tapusin ang diktadura, pangarap na maibalik ang malinis and makabuluhang eleksyon, pangarap na maging malaya at matamasa ang karapatan ng lahat para sa lahat. Kapit bisig na tumungo ang iba’t ibang tao sa EDSA upang sabihin na tama na, itigil na, wakasan na… ibalik sa tao ang kapangyarihan. Return to the people the power to rule the nation. Return to the people the power to chart our country’s destiny and history. Return to the people what is ours – our country – not a rule by only one man or one family, but under a regime of the rule of law (not it’s weaponization against dissenters) and human rights (not its demonization, not its distortion). That is why the event we celebrate today came to be known as People Power. The people should decide and be able to chart our history, our destiny as a people, as a nation.
Ang EDSA ay isang paghakbang. EDSA was a movement. Tulad ng daan kung saan inilunsad ang People Power at naganap ito. Hindi natapos ang EDSA sa isang kolektibong pangarap. Isang malaking leksyon sa atin na dulot ng EDSA na hindi natatapos sa pangarap ang pagbabagong mapayapa at makabuluhan. Kailangan nating kumilos, gumalaw, at humakbang upang maganap ang ating mga pangarap.
Kung ninais nila noon na baguhin ang sistema ng pamahalaan at natapos na lamang ito sa isang pangarap, hindi po naibalik ang demokrasya – ang karapatan nating pumili ng mga pinuno ng ating bansa nang buong pagpapasya at walang kasinungalingan. Nanatili na lamang itong isang mailap na pangarap, at lugmok pa rin tayo sa mga tanikala ng madilim na nakaraan.
Ang EDSA ay isang proseso ng pagbabago. Hindi natapos at hindi dapat natatapos sa EDSA ang ating mga pangarap at ang ating paghakbang. Ang matamis at mapayapang pagbabago ay makakamit lamang nang may taimtim at lagiang pangangarap at pagbabago.
I think that this is where we have failed as a people. We have failed to properly preserve the spirit of EDSA. Many of the people responsible for the crimes and human rights violations committed during the years of martial law were not brought to justice. Reparation programs, not limited to monetary compensation, are sorely lacking. The memorial museum has not yet been built. Worse, we witness the rise of historical revisionism, misinformation and disinformation, and the prevalence of fake news that seek to change the past, rewrite history, and remove the Filipino dream that is EDSA.
Sabi nga po ng mga kabataan ngayon – TOTGA – or the one that got away. Huwag po nating hayaan na maging TOTGA ang EDSA… o mawala ang EDSA sa ating gunita, sa ating pamumuhay. Huwag nating pahintulutan na baluktutin or gawing bangungot ang diwa ng EDSA.
Hindi po ang EDSA ang dahilan ng ating mga problema bilang isang bansa. Ang mga ito po ay dahil sa ang EDSA ay tinuring na lamang natin na isang pangyayari at hindi natin inisip na ito ay isang mahaba at mahirap na proseso ng pagbabago na dapat alagaan at isakatuparan sa palagiang at matatag na pagkilos.
Huwag po nating kalimutan na ang kapangyarihan ay dapat sa tao at hindi dapat nasa kamay ng isang tao o iilan lamang. Huwag po nating hayaan na magkaroon ng historical revisionism o fake news… na bumubura ng ating pangarap at pagkilos bilang mga tao.
Today, we are faced by so many challenges that douses the fire of EDSA. So many people vilify and disregard the importance of EDSA.
Hindi po natapos at natatapos ang ating mga problema bilang bansa dahil sa EDSA. Hindi po matutuldukan ang ating mga problema sa pagbaba lamang ng isang diktadura sa EDSA. Kailangan po nating isipin na ang mga pinangarap natin at bahagyang nakamit ay dapat nating alagaan. Mangarap, pumili nang tama, at kumilos nang makabuluhan.
The education sector is in crisis because we have failed to teach EDSA as a dream, as action, and as a process. Worse, we may have not taught EDSA for what it is. We also may have removed EDSA from our history books, paving the way for historical revisionism, misinformation and disinformation, and fake news. We may, as a consequence, have allowed lies to prosper over truth.
This event today is our humble contribution to the effort to dream again, to act again, and to move constantly to make our dreams a reality. Nawa po ay pagpulutan po ninyo ng aral ang kwento ni Aida Santos, ang handog ng historyador na si Xiao Chua, ang maraming mga video tungkol sa EDSA at martial law na ginawa po namin para sa inyo.
Salamat po sa inyong lahat at Sumainyo po ang pangarap, pagkilos at pagbabago na dulot ng EDSA. Mangarap, pumili ng tamang pagbabago, at kumilos po tayong lahat. Iyan po ang diwa ng EDSA.
Salamat pong muli.