フィリピン標準時:

Sunday, June 8, 2025 - 8:14 PM

  1. 政策勧告
  2. Human Rights Advisory on the Accepted and Noted Recommendations by the Philippines During the Third…

パハヤグ人権委員会は、カルーカンとナガパパタウがパルサを訪問し、バクナドとマグシシンバを訪問します。

Lubos na nababahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa aming natanggap na ulat ukol sa ordinansa ng pamahalaan ng bayan ng Kalookan na nagbabanta ng parusa sa mga di-bakunado na magsisimba o mananampalataya. Nakapaskil diumano ang naturang ordinansa sa mga gate ng simbahan. Muling ipinapaalala ng CHR na walang batas ukol sa mandatory vaccination. Hindi sang-ayon sa batas na parusahan ang mga di-bakunado at pagkaitan ng kanilang karapatang magsimba at manampalataya.

Ayon sa Seksyon 5 ng Saligang Batas, “The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed.” Nangangahulugan ito na ang pagparusa sa mga di-bakunadong nagsisimba at/o nanampalataya ay labag sa Saligang Batas. Samakatuwid, nananatili ang karapatan nilang manampalataya at maging ang iba pa nilang mga batayang karapatan.

Inuulit namin na suportado ng Komisyon ang malawakang pagbabakuna para makamit ang herd immunity na mahalaga para masugpo ang Covid-19. Subalit sa halip na magpataw ng parusa at/o magbanta laban sa mga di-bakunado, patuloy naming hinihikayat ang pagpapatupad ng mga positibong paraan para tugunan ang vaccine hesitancy. Kabilang dito ang masigasig na information at education campaign at pagbibigay ng insentibo sa mga magpapabakuna.

Maging sa panahon ng krisis, anumang polisiya o ordinansa ay dapat sumusunod sa mga makataong pamantayan na nakasaad sa Siracusa Principles: dapat nakasaad ito sa national law; hindi magdudulot ng diskriminasyon; hindi mapanghimasok; at, angkop, nauukol, at wasto batay sa layunin nito. Responsibilidad rin ng gobyerno na bigyang-katwiran at ipaliwanag ang anumang restriksyon sa mga karapatan at kalayaan ng mamamayan. Hinihikayat ng Komisyon ang pamunuan ng Kalookan na makipag-dayalogo sa mga alagad ng simbahan upang siguruhin ang lubos na paggalang sa karapatan at dignidad ng mga mananampalataya ayon sa mga nabanggit na prinsipyo. ###

関連記事

その他のストーリー

Six months have elapsed since the rape and alleged killing of 15-year old girl Fabel Pineda by police officers in Ilocos Sur, but justice remains elusive for her and her cousin Bernadette Saniatan despite the strong condemnation of the Philippine

Muli naming ipinapahayag ang lubos na paghihinagpis, pagkundena, at pakikidalamhati sa nangyaring kalunus-lunos na pagpaslang sa 16-taong gulang na si Christine Lee Silawan ng Lapu-lapu City. Walang puwang sa ating lipunan ang ganitong kalapastanganan laban sa isang inosenteng dalagita. Agad

31 January 2017 PRESS STATEMENT   CHR Statement on the Suspension of the Anti-Drug Campaign The Commission on Human Rights welcomes the recent pronouncement of Chief PNP Ronald dela Rosa that all anti-drug operations shall stop nationwide while the PNP

CHRは、移民の権利運動と一体となり、本国送還された移民労働者、そして困窮している海外出稼ぎ労働者とその家族のための緊急司法メカニズムの構築を推進しています。フィリピンの独立した国家人権機関(NHRI)として、CHRは

人権委員会(CHR)は、ダバオ市子ども村(バハイ・パガサ)で少なくとも49人の若者が新型コロナウイルスに感染し、検査で陽性反応を示したことに対し深い懸念を表明している。この村は、トゥグボク地区にある紛争下の子どもたちのための一時的な避難所である。

Press Release | 26 March 2018 QUEZON CITY—The Commission on Human Rights (CHR) is set to proceed with its formal inquiry hearing starting Tuesday, 27 March 2018, as a response to a petition seeking to investigate so-called “carbon majors” for