フィリピン標準時:

Sunday, June 8, 2025 - 5:11 PM

  1. 政策勧告
  2. Human Rights Advisory on the Accepted and Noted Recommendations by the Philippines During the Third…

パハヤグ・ニ CHR コミッショナー、カレン・ゴメス=ダンピット、女性担当重点コミッショナー、sa pagdiriwang ng ika-7 na パープル・アクション・デー

Mainit na pagbati sa lahat ng dumalo sa araw na ito—mga kasama nating nagmartsa mula sa Philcoa at nandirito ngayon sa Liwasang Diokno, at mga kasamahan natin na nakasubaybay at nanonood ngayon via Zoom. Welcome sa ating lahat sa ikapitong Purple Action Day ng Komisyon sa mga Karapatang Pantao at ng Sarilaya.

Masaya at inspired ako sa araw na ito dahil muli ko kayong lahat na makasama para buksan ang selebrasyon ng Women’s Month 2022. Masaya at proud na proud ako na ang layo na rin ng ating narating—mula 2016, ang unang taon na nagsimula ang Purple Action Day sa Komisyon, hanggang ngayon. Bagama’t marami tayong mga dagok na kinaharap kasama na ang paglaban sa rampant violence and sexism, pagtutol at pagkondena sa mga pag atake ng mga womens human rights defenders, pagtuligsa ng gyera kontra droga, at of course, ang krisis ng COVID-19, nananatili pa rin tayong lumalaban at kolektibong kumikilos.

Masaya ako, bagama’t may lungkot rin. Dahil ito na ang aking huling Purple Action Day bilang コミッショナー at may natitira na lamang kaming mga 64 na araw bago kami bumaba sa aming pwesto. Kaya sa umagang ito, hayaan niyo akong makapagbahagi ng aking reflections sa mga nagdaang Purple Action Day at makapag-bigay pugay muli sa tapang, sa kalakasan ng kolektibong pagkilos, at pakikibaka ng mga kababaihan. Hayaan niyo rin ako na ibahagi at mapag-usapan ang kahalagahan ng ating pagtuloy na paglaban, ang kahalagan ng pagbitbit ng kampanya at adyendang lila sa darating na election, at ang kahalagahan ng ating mga tinig at partisipasyon para sa kinabukasan ng ating bayan.

Kolektibong pagkilos

Bago pa man ang taunang Purple Action Day ng Komisyon, ipinagdiriwang na ng iba’t ibang hanay ng mga kababaihan at ng Komisyon ang Women’s Month at International Women’s Day. Pero para sa amin sa Komisyon, mas naging makabuluhan ang Women’s Month celebration nung nasimulan na namin kasama ng Sarilaya and Purple Action Day noong 2016. Dahil mula noon, taon taon na namin kayong nakasama para sa kolektibong pagsulong at pagkilos para sa karapatang pantao ng mga kababaihan. Dito mismo sa loob ng Komisyon, at madalas, sa unang araw ng buwan ng mga kababaihan.

Talagang pinasasalamatan namin dito ang aming partner for 7 years now—ang Sarilaya sa pangunguna ni Meth Jiminez. Sa kanya nanggaling ang vision ng Purple Action na nawa’y magbunga din sa Purple Vote sa darating ng eleksyon, at sana nga maging Purple Movement na din. Pinapasalamatan din namin dito ang iba pa naming mga naging kasamahan sa pag organiza, gaya ng Gabriela National Alliance of Filipino Women at mga organisasyon at mga grupo ng mga kababaihang aming nakasama sa bawat Purple Action  Day.

Simulat sapul, ang Purple Action Day ay araw ng kolektibong pagkilos ng mga kababaihan. Since we started observing Purple Action Day in 2016, it has not only served as an annual celebration and as a kick-off event for women’s month. Purple action day has always been about women’s collective action, of making women’s voices heard, of seeking accountability, and surfacing urgent women’s issues and concerns.

For us, Purple Action day has contributed in making women’s month celebrations more meaningful, particularly with its focus more on the issues and the voices of the most marginalized women and girls. The video shown earlier highlights this—how each year, Purple Action Day carries issues close to the hearts of women – from issues on food security and reproductive health in 2016, our first year; to the calls for accountability and need to impunity during the height of the war on drugs and attacks on women leaders and women human rights defenders; to of course, the past two year’s focus on women’s courage and leadership amidst the COVID-19 pandemic.

Through the years, the Commission and Sarilaya’s  Purple Action Day has been a show of solidarity among women’s human rights advocates and of women’s human rights organizations – towards the continuing goal – of social justice, of the fulfillment of  women and girls human rights, and of gender equality.

Kahalagahan ng pagtuloy na paglaban

Sa taong ito, patuloy natin na bitbit ang diwa ng Purple Action Day. Patuloy tayo na lumalaban lalo na at nasa napakaimportanteng yugto tayo ng ating kasaysayan. Kasalukuyang nagre-recover ang mundo at ang bansa mula sa dagok ng COVID-19, subalit may nagbabadya din na mga hamon—globally, may banta ng giyera at kaguluhan dala ng pag atake sa Ukraine, and domestically parating na ang 2022 elections. Sa araw ng ating pagpipili ng ating panibagong lider, pumipili din tayo ng ating kinabukasan at kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

Sa lahat ng ito, mas lalo nagiging napakahalaga ang kolektibong pagkilos at paglaban ng mga kababaihan. Napakahalaga ng mga ginagawang pag-oorganiza at pagkakaroon ng mga learning sessions sa lebel ng komunidad. At napakahalaga na gagampanan natin at bitbit ang ating mga adyenda at na maisama natin ito sa usapin ng pagpili ng mag susunod nating mga tagapag muno.

Tinig ng mga Kababiahn at Kampanyang Lila

Ito ang dahilan kung kaya’t simula pa lamang ng nakaraang taon ay sinimulan na namin ang kampanyang  Lila ang Kulay ng Boto ko. Ito ang aming kampanya na nagfo-focus sa partisipasyon at pagpapalitaw ng mga sektoral agenda ng iba’t ibang grupo ng marginalized women. Sa pamamagitan ng kampanyang Lila, napalakas natin ang ating ugnayan sa iba’t ibang sektor at grupo ng mga kababaihan at narinig natin ang mga agam-agam, ang mga pangamba sa darating ng eleksyon—gaya ng takot sa pandaraya at korapsyon, takot sa posibilidad na ‘di makaboto o kawalan ng accessibility; narinig din natin at napag usapan ang mga mahalagang usapin na isinusulong ng mga sektor na dapat tinutugunan ng mga susunod na lider ng bansa. Makikita natin ang mga agenda na ito sa mga poster sa likod, at maririnig natin ang agenda na ito sa ating mga kasamahang magsasalita mamaya.

Sa pamamagitan ng kampanyang Lila, tayo ay napapaalahanan kung gaano kahalaga ang ating boto, at gaano kahalaga ang election ngayon taong 2022. Pinapaalala din ng kampanya ang marubdob na pakikibaka ng mga kababaihan para lang makamit ang karapatang bomoto at nagpapa-alala na sa darating na eleksyon, dapat lamang na bitbit natin ang adyenda ng kababaihan; dapat lamang na marinig ang mga boses ng mga kababaihan, at marapat lamang na tayo, bilang kolektibo ay patuloy na magmatyag at tumaya sa ating kinabukasan. Mas nagiging mahalaga ang papel na ito habang papalapit na ang eleksyon, at sa gitna ng naglipanang mga fakenews at disinformation.

Sa panghuli, malaki ang aking tiwala—sa lakas ng kolektibong pagkilos ng mga kababaihan. Malaki ang aking tiwala dahil napakalas ng mga grupo ng mga kababaihan—may tapang, may dedikasyon, may pagtataya; may kakayahang matukoy ang mga napakahalagang mga usapin at mai-angat ang mga isyu na madalas ay nababalewala at di nabibigyan ng halaga; may kakayahang magpalakas ng hanay—mula sa komunidad, sa kanayunan, at sa iba’t ibang espasyo. Tiwala ako, na sa ating kolektibong pagkilos, at sa ating pakikipagsama sa iba’t ibang social movements at grupo ng mga human rights defenders, sa ating pagmamatyag sa kampanya, at sa darating na eleksyon ay maipaglalaban natin ang ating kinabukasan.

Kami sa Komisyon sa mga karapatang pantao ay kasama nyo sa pagmamatyag na ito. Kasalukuyan ay binubuo na namin ang aming Bantay Karapatan sa Halalan, at niyayaya namin kayong lahat na maging parte nito. ‘Di lamang na dalhin ang adyenda ng kababaihan sa darating na halalan, kasama na rin ang pagmamatyag at pagsusumbong ‘pag may nakikitang pang-aabuso.

Ang laban ngayong 09 May 2022 ay laban ng ating kinabukasan, at sa Purple Action Day na ito—nawa’y koletibo tayong tataya sa pagpili ng mga lider na makikinig at magsusulong ng adyenda ng mga kababaihan at ng karapatang pantao ng lahat.

Muli mainit na pagbati sa lahat! Isang karangalan para sa akin na maging bahagi ng Purple Action Day at ang makasama kayo sa laban na ito. ­­###

関連記事

その他のストーリー

教師は、教育を受ける権利を実現し、誰も取り残されないよう努める上で中心的な役割を担っています。教師が質の高い教育を継続的に提供できるよう、十分な支援と報酬を提供することが不可欠です。

Mariing tinutuligsa ng Commission on Human Rights ang mga alegasyon ng unlawful arrest at arbitrary detention kung saan sangkot di-umano ang iilang mga tanod at tauhan sa Brgy. Commonwealth, Quezon City. Naniniwala ang CHR na ang bawat paglabag ay dapat

人権委員会は、東サマール州ボロンガン郡リブトンで発生した、新人民軍構成員とされる者による待ち伏せ攻撃を強く非難する。この攻撃により警察官1名が死亡、少なくとも5名が負傷した。このような意図的かつ恣意的な行為を強く非難する。

The Commission on Human Rights, through its Region XII office, is now conducting an independent probe on the brazen killing of lawyer Juan Macababbad. According to initial reports, the lawyer was gunned down outside his house in Surallah, South Cotabato,

人権委員会(CHR)は、国際刑事裁判所(ICC)への再加盟をしないという大統領の決定権を尊重している。しかし、国内および国際社会からの要請を考慮すると、この動きは人権の観点からは残念である。