필리핀 표준시:

Sunday, June 8, 2025 - 8:12 PM

  1. 정책 자문
  2. Human Rights Advisory on the Accepted and Noted Recommendations by the Philippines During the Third…

Pahayag ng Komisyon sa mga Karapatang Pantao kaugnay sa pagkamatay ni Genesis “Tisoy” Argoncillo sa QCPD 경찰서 4

Hindi krimen ang pagtambay at hindi lahat ng nakatambay ay kriminal. At sa pagkakataong may malinaw na paglabag sa batas, pinapaalalahanan ng Commission on Human Rights (CHR) ang kapulisan na maging ang mga nakabilanggo man ay mayroong karapatan na dapat irespeto at pangalagaan.

Ang masamang kalagayan sa mga bilangguan, kabilang ang anumang kalabisan, kakulangan, at/o kapabayaan na magreresulta sa kapinsalaan, kapahamakan, o kamatayan ay maaaring ituring na torture o cruel, inhumane, at degrading treatment o punishment, ayon sa ating Konstitusyon, RA 9745 o Anti-Torture Act of 2009, at Convention against Torture na ni-ratipika ng ating pamahalaan.

Binibigyang-diin din ng mga nasabing batas at kasunduan na may pananagutan ang awtoridad na lumabag at/o hindi ginampanan ang mga pamantayan na nakasaad dito. Mahusay na agarang tinanggal sa pwesto ang Quezon City Police District Station 4 Commander na si Carlito Grijaldo. Higit pa rito, nawa’y maibigay agad ang agarang hustisya para kay Genesis “Tisoy” Argoncillo. Sana ang insidenteng ito ay maging hudyat upang repasuhin ng Philippine National Police ang isinasagawang nitong “Oplan Tambay”. Mahalagang magkaroon ng malinaw na tuntunin na titiyak na ang pagpapatupad ay hindi magreresulta sa paglabag sa ano mang karapatan.

Muli, nais naming ipaalala na labag sa Saligang Batas ang paghuli sa sinuman ng walang legal na batayan. Malinaw sa RA 10158 o An Act Decriminalizing Vagrancy na hindi krimen ang pagtambay. Nagdudulot rin ito ng stigma at diskriminasyon dahil nagpaparusa ito batay sa social status, mode of life, at reputasyon ng tao at hindi sa aktwal na aksyon o ginawa ng indibidwal. Nagkakaroon rin ng mga pangamba na tila tayo ay bumabalik sa madilim na panahon ng Martial Law kung saan inaaresto ang mga indibidwal ng walang warrant of arrest kung kaya’t bukas sa pang-aabuso.

Ating tandaan na dapat pantay ang pagtingin ng batas sa lahat. At ang mga batas ay dapat na nagtatanggol sa mga mahihina at mahihirap at hindi ginagamit laban sa kanila.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang CHR sa kaso ni Tisoy. Patuloy din ang pagsasagawa ng CHR ng regular jail visitations at iba pang mga hakbanging alinsunod sa mandato nito.■

여기서 파일을 다운로드하세요

관련 게시물

다른 이야기들

2017년 8월 9일 언론 성명 인권위원회의 병원예금법 통과에 대한 성명 인권위원회(CHR)는 병원예금법(Republic Act No. 10932)의 통과를 환영합니다.

The Commission on Human Rights (CHR) is now probing the reported shooting of Eduardo Geñoga, a 59-year-old curfew violator with mental illness, by Cesar Panlaqui, a barangay tanod. The shooting happened in Tondo, Manila on 7 August 2021, the second

인권위원회는 백신 접종에 대한 망설임을 해소하고 백신 접종 캠페인과 정보 캠페인을 통해 코로나19 예방 접종을 장려하기 위해 적극적으로 노력한 여러 지방 정부 기관(LGU)의 노력을 높이 평가합니다. 비위탁 사회 기상 관측소

The core value of our Constitution lies in its system of checks and balances. Upholding the 1987 Constitution means protecting the Filipino against abuse and concentration of power. We are in disbelief that majority of the members of the Supreme

Kinikila ng CHR ang pahayag ng PNP na kanilang susundin ang mga probisyong nakasaad sa Batas Pambansa (BP) 880 sa paparating na SONA 2024. Ang SONA ay isang mahalagang kaganapan upang maipakita ng pamahalaan ang kanilang mga naabot at plano