Pamantayang Oras ng Pilipinas:

Sunday, June 8, 2025 - 6:50 PM

  1. Bahay
  2. Payo sa Patakaran
  3. Human Rights Advisory on the Accepted and Noted Recommendations by the Philippines During the Third…

Pahayag ng Commission on Human Rights sa ika-36 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution

Nakikiisa ang Commission on Human Rights sa pagdiriwang ng ika-36 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Ito ay isang mahalagang yugto ng ating kasaysayan na nagpamalas ng likas na katapangan ng mga Pilipino na manindigan para sa kalayaan, karapatang pantao, at demokrasya. Pinuri ng buong mundo ang ehemplo ng Pilipino na magsagawa ng mapayapang rebolusyon para iwaksi ang karahasan, korupsyon, at pang-aabuso sa kapangyarihan sa panahon ng Batas Militar sa ilalim ng diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr.

Sa ating pagdiriwang, sariwain natin ang diwa at mga aral ng EDSA People Power. Pangunahin dito ay ang kakayahan nating magsulong ng mga positibong pagbabago sa mapayapang paraan at ang kapasidad natin na magkaisa laban sa anumang pang-aabuso at pagyurak sa karapatan at dignidad. Sa kasalukuyang panahon, maraming mga hamon na nagpapaalala sa paniniil na dinanas ng bansa noong panahon ng Batas Militar. Kasama dito ang talamak na patayan at karahasan; pag-atake sa kalayaan sa pamamahayag; kawalan ng pananagutan at hustisya; pagmamanipula sa katotohanan at pagrebisa sa kasaysayan; mga kakulangan at kalabisan sa tugon ng gobyerno na nakaaapekto sa dignidad ng mga bulnerableng sektor, atbp. Bilang pagkilala sa mga sakripisyo at pagdurusa ng mga lumaban sa kalupitan ng Batas Militar, mahalaga na patuloy tayong manindigan laban sa anumang uri ng pang-aabuso sa kapangyarihan; kawalan ng hustisya; at, pagyurak sa katotohanan.

Ang okasyong ito ay pagkakataon para palakasin ang pagtataguyod sa karapatan sa katotohanan at pagtiyak na hindi na maulit ang mga paglabag at pang-aabuso sa gitna ng talamak na pagrebisa sa katotohanan. Pinapaalalahanan natin ang lahat, lalo na ang mga kabataan na siyang huhubog sa kinabukasan, na kung paano natin natatandaan ang kasaysayan ay may malaking epekto sa pagharap natin sa mga kasalukuyang hamon at humuhubog ng ating hinaharap. Gayundin, kinikilala natin ang ideyalismo at sigasig ng maraming sektor, kabilang ang mga kabataan at kababaihan, na naninindigan laban sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso at kawalan ng hustisya.

Lahat tayo ay may tungkulin na tandaan ang kasaysayan para maprotektahan ang ating bayan sa iba’t ibang porma ng paglabag sa karapatang pantao na kalimitang nanggagaling sa authoritarian na estilo ng pamamahala. Ang buo at makatotohanang pag-alala sa nakaraan ay susi sa pagpapatibay ng ating mga karapatan at kalayaan na mahalaga sa pag-abot ng ating kabuuang potensyal. Sa lahat ng panahon, mananatili ang katotohanan na ang ating karapatan, dignidad, at dangal ay tunay lamang na maitataguyod sa lipunang demokratiko at mapagpalaya. ###

Kaugnay na Post

Iba pang mga Kwento

27 June 2017 PRESS RELEASE CHR pushes for torture prevention measures in PHL QUEZON CITY—On the International Day in Support of Victims of Torture 2017, June 26, the Commission on Human Rights (CHR) is pushing for the continuous advancement of

The Commission on Human Rights (CHR) welcomes the approval of the addition of the hijab in the uniform of female Muslim personnel of the Philippine Coast Guard (PCG). As the Gender Ombud, the Commission highlights that wearing a hijab is

The approval on third and final reading by the Senate of a measure declaring child marriages as illegal is a step-forward in strengthening protection of children as one of the vulnerable sectors in the country. Senate Bill No. 1373 or

The Commission on Human Rights expresses its support to the Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (RISE) project signed by the Department of Agriculture (DA) and the Department of Justice’s (DOJ) Bureau of Corrections (BuCor) that aims to

Students from the University of the Philippines Visayas tackled social and political issues during their annual Cheering Competition on Wednesday, October 16. Skimmers, one of the academic organizations that partook in the competition, performed their cheer which touched upon several

The Commission on Human Rights (CHR) warmly welcomes the recent joint position from the Leaders Forum, a bipartite body of labour and employer groups, urging for a significant increase in the CHR’s budget to ensure that it has adequate resources