Pamantayang Oras ng Pilipinas:

Sunday, June 8, 2025 - 6:54 PM

  1. Bahay
  2. Payo sa Patakaran
  3. Human Rights Advisory on the Accepted and Noted Recommendations by the Philippines During the Third…

Pahayag ni CHR Spokesperson, Atty Jacqueline Ann de Guia, sa ika-35 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution

Tatlumpu’t limang taon na ang nakalipas nang lumabas sa lansangan ang mga mamamayang Pilipino upang ipahayag natin ang pagkapuno mula sa karahasan, korupsyon, at mga kasinungalingan ng isang diktador. Mahigit tatlong dekada na rin ang nakaraan nang iniluwal natin ang ating demokrasya mula sa madilim na yugto ng ating kasaysayan—ang martial law o batas militar.

Buo ang pakikiisa ng Komisyon sa mga Karapatang Pantao sa paggunita ng ika-tatlumpu’t limang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution. Mahalaga ang pag-alala upang hindi tayo makalimot sa monumental na pangyayari sa ating bansa kung saan nanaig ang boses at pagkakaisa ng taumbayan laban sa kalabisan ng kapangyarihan. Bagama’t hindi lahat ng ating aspirasyon bilang bansa ay nakamit natin matapos ang diktaturya, mahalagang mapaalala sa atin na may katapusan ang paghahari ng mga hindi makataong pinuno na sariling interes lamang ang inuuna.

Ngayong nalalapit na ang eleksyon para sa bagong pamunuan, kinakailangan nating maging mas mapanuri bilang mamamayan sa tunay na intensyon mga di umano’y lider na nais muling mailuklok sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan. Huwag tayong makalimot sa mga paglabag sa karapatang pantaong pinalampas nating singilin. Hindi magkakaroon ng pagbabago kung hindi tayo patuloy na makikilahok sa mga isyung panlipunang ating kinakaharap sa kasalukuyan, at kung hindi natin mapapanagot ang mga umabuso sa ating mga kalayaan at karapatan.

Bilang isang institusyong ipinanganak matapos ang EDSA People Power Revolution, patuloy na magiging tapat ang Komisyon sa mandato nito na bantayan ang anumang pagmamalabis sa kapangyarihan ng estado, maging sinuman ang nakaluklok na pinuno. Dagdag pa, patuloy kaming magmumulat at magpapaalala sa taumbayan ng mga ganitong pangyayari dahil malakas rin ang pwersang nagsusulong ng mga rebisyon sa ating kasaysayan upang makamit nila ang kanilang mga personal na agenda. Hindi rin kami matitigil sa pagpanig sa mga mahihina, inaapi, at mga isinasawalang-bahala ng lipunan.

Hindi man agaran ngayon, subalit darating ang panahon kung saan taumbayan muli ang magpapasya’t maniningil sa paglapastangan ng mga ganid sa kapangyarihan sa ating pinakamamahal na bansa.

Hindi lamang sa araw na ito, nawa’y manaig sa atin ang diwa ng katapangan, pagkakaisa, at kapayapaang nakita natin noong EDSA People Power Revolution upang pagtagumpayan ang mga hamong sumusubok sa ating lipunan. ###

Kaugnay na Post

Iba pang mga Kwento

The Commission on Human Rights (CHR) in Region IV-B is undertaking an independent motu propio investigation on the shooting of radio broadcaster Cresenciano Aldovino Bunduquin in Barangay Sta. Isabel, Calapan City, Oriental Mindoro. According to a police report, Bunduquin was

A free press and the people’s right to expression, especially on matters of public interest, are crucial foundations of a democratic society. They allow us to demand for transparency and accountability. These freedoms allow greater, genuine participation in governance and

The Office of the Ombudsman, last 9 August 2022, issued a nine-page resolution ordering the dismissal of direct and indirect bribery complaints against former Senator Leila de Lima and her former bodyguard Ronnie Dayan. Clarifying the ruling, prosecutor Daniel Von

Ang Commission on Human Rights and Philippine Campaign to Ban Landmines (PCBL) ay ginugunita ang International Human Rights Day ngayong ika-10 ng Disyembre 2021.#HumanRightsWeek2021#HumanRightsForAll

Ang pandemya at ang mga sosyo-ekonomikong implikasyon nito ay naging sanhi ng maraming indibidwal na bulnerable sa human trafficking. Sa panahon ng mas mataas na kahinaan, napakahalaga na ang mga pinaka-apektadong sektor ay maaaring umasa sa gobyerno para sa proteksyon mula sa mga pang-aabuso at pagsasamantala. Ito

In line with the celebration of Nutrition Month this July, the Commission on Human Rights (CHR) recognises the region-wide campaign of National Nutrition Council-7 (NNC-7), together with local government units (LGUs), in launching programmes that aim to target the problem