Pamantayang Oras ng Pilipinas:

Sunday, June 8, 2025 - 5:19 PM

  1. Bahay
  2. Payo sa Patakaran
  3. Human Rights Advisory on the Accepted and Noted Recommendations by the Philippines During the Third…

MAHALAGANG PANAWAGAN: Mag-ingat sa mga scam na naglalayong biktimahin ang mga dati nang biktima ng human rights violations sa ilalim ng diktaduryang Marcos

Mayroon di-umanong mga grupo, indibidwal, at maging mga abogado na hangad na manlamang at mangikil ng pera sa mga denied claimants ng Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) kapalit ang pagproseso at/o pag-apela ng claims para sa pinansyal na reparasyon. Ito ay hindi totoo at isang uri ng scam at panloloko. Mahalagang maging mapanuri at sumangguni lamang sa official sources katulad ng Commission on Human Rights (CHR).

Muli naming binibigyang-diin at pinapaalalahanan ang mga biktima, kanilang pamilya, at ang publiko na nagsarado na ang HRVCB. Wala nang bagong claims o appeals ang maipo-proseso dahil dito. Wala ring bagong ahensya o opisina na naitayo upang mag-proseso ng claims at/o appeals para sa reparasyon at kumpensasyon. Nakumpleto na ng HRVCB ang pagtukoy ng mga legitimate claimants at nagsagawa na rin ng pamamahagi ng pinansiyal na reparasyon.

Nais rin namin bigyang-linaw na walang masama sa pagtatayo ng asosasyon sapagkat ito’y isang karapatan. Subalit maging mapanuri at mag-ingat sa mga sasalihang grupo. Tiyakin na ang sasalihan ay hindi sindikato dahil mayroong mga oportunistang naghahangad na samantalahin ang mga denied claimants para pagkakitaan at kikilan.

Nasa pangangalaga ng Landbank ang natitirang pondo ng HRVCB sa ilalim ng trust fund na Human Rights Victims Reparation Fund. Ito ay nakalaan at eksakto lamang para sa natitirang 177 tsekeng hindi pa na-claim o na-encash. Karamihan sa mga ito ay dahil pumanaw na ang biktima at hindi pa na-update ang kanilang record. Naipasa na ng House of Representatives ang kanilang bersyon ng joint house resolution na naglalayong i-extend ang validity ng funds para sa nabanggit na 177 na tseke. Samantala, hinihintay na rin na maipasa sa senado ng kanilang bersyon.

Maging mapagmatyag tayo laban sa mga gawaing naglalayong biktimahin muli ang mga dati nang biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng diktaduryang Marcos. I-report agad sa kapulisan at/o sa CHR ang anumang gawain o impormasyon patungkol sa ganitong uri ng scam. ■

DOWNLOAD FILE DITO

Kaugnay na Post

Iba pang mga Kwento

Malugod na tinatanggap ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagtatalaga kay Atty. Richard Paat Palpal-latoc na uupo sa timon ng CHR Commission en banc VI bilang bagong Chairperson nito. Si Chairperson Palpal-latoc, 48, ay magsisilbi ng buong pitong taong termino

Hindi krimen ang pagtambay at hindi lahat ng nakatambay ay kriminal. At sa pagkakataong may malinaw na paglabag sa batas, pinapaalalahanan ng Commission on Human Rights (CHR) ang kapulisan na maging ang mga nakabilanggo man ay mayroong karapatan na dapat

The Commission on Human Rights (CHR), through our office in Region XII, is already conducting an investigation on the news report showing LGBTQI individuals in Ampatuan, Maguindanao being forced to have their heads shaved. In a social media post by

Mainit at buong pusong pagbati ng Maligayang Araw ng Kalayaan ang ipinapaabot ng Komisyon sa mga Karapatang Pantao sa bawat mamamayang Pilipino. Kung babalikang-tanaw ang mga pangyayaring naganap bago ang pagdedeklara ng ating kasarinlan, ang labis na pang-aabuso ng mga

GENEVA (16 March 2020) – UN human rights experts* today urged States to avoid overreach of security measures in their response to the coronavirus outbreak and reminded them that emergency powers should not be used to quash dissent. “While we

Press Statement | 04 May 2018 The Commission on Human Rights (CHR) strongly condemns the brutal and brazen killing of priest Fr. Mark Ventura, who was gunned down in broad daylight after officiating Mass in Gattaran, Cagayan. Reports say that